Guwapong celeb hinihintay mag-out

EWAN kung kailan mabubura ang impresyon ng publiko sa matagal nang ikinakapit na imahe sa isang sikat at guwapong male personality.

guwapong celeb hinihintay mag out - Guwapong celeb hinihintay mag-out
actor 6 - Guwapong celeb hinihintay mag-out

Cristy Fermin No Thanks 1 336x224 - Guwapong celeb hinihintay mag-outEWAN kung kailan mabubura ang impresyon ng publiko sa matagal nang ikinakapit na imahe sa isang sikat at guwapong male personality.

Matagal nang pinagdududahan ang kanyang kasarian, tinitilian siya ng ating mga kababayan, pero sa likod ng mga kakiligan at tiliang ‘yun ay ang hindi matanggal-tanggal na pagdududa, tungkol sa kanyang seksuwalidad.

Sa isang umpukan ay sinabi ng isang source, “Kasi naman, nagkakaedad na siya, pero hindi pa rin siya nag-aasawa. E, di ba, kapag lumampas ng treinta anyos ang guy, meron na agad pagdududa sa sexuality niya?

“Wala namang matandang-binata sa pamilya nila, may asawa naman ang mga lalaking relatives niya, pero bakit siya napag-iiwanan ng biyahe, e, sa kaguwapuhan niyang ‘yun, napakadali niyang makahanap ng babaeng pakakasalan niya?

“Nasaan ba kasi talaga ang problema? Nagkaroon naman siya ng mga karelasyong babae nu’n, pero hanggang press release lang naman yata ‘yun!” napapailing na sabi ng aming impormante.

Hindi pa rin kasi nabubura ang kuwentong lumutang nu’n tungkol sa pagkakamabutihan nila ng isang male personality. Naging kontrobersiyal ‘yun lalo na nu’ng parang umamin nang patagilid ang karelasyon niyang aktres tungkol sa kanilang break-up.

“Kung kailan ‘yun mabubura sa isip ng publiko, e, walang makapagsasabi. Hinihintay ng lahat ang pag-aasawa niya, pero mukhang malabo namang mangyari ‘yun agad-agad!

“Napakatagal na niyang sinasabing sa ganito at ganu’ng age, e, mag-aasawa na siya, pero dekada na ang nakararaan, hindi pa rin naman ‘yun nangyayari!

“Ilang taon pa lang ba siya nu’ng sinasabi niya ‘yun, late 20’s pa lang siya. E, nagkakaedad na siya ngayon, halatado na ang pagtanda niya, pero single pa rin naman siya!

“Kaya ang inaabangan na ngayon ng marami, e, hindi ang pag-aasawa niya. Ang pag-a-out na niya ang binabantayan ngayon ng publiko, nakakaloka!” pagtatapos ng aming source.

Alden lalong humusay sa pag-arte

BINABANTAYAN namin ang bawat gabing sultada ng seryeng The Gift ni Alden Richards. Kasabay ‘yun ng matagal na naming sinusubaybayang The General’s Daughter pero sa kapangyarihan ng teknolohiya ay pareho naming napapanood ang dalawang serye.

Isa ang pinanonood namin sa regular na pagpapalabas at isa naman ang itine-tape ng aming kasambahay. Walang nakalulusot sa aming paningin.

Mapuso ang The Gift dahil ang kuwento nito ay umiikot kay Joseph, ang papel na ginagampanan ng bidang si Alden Richards, na inampon ni Jo Berry.

Isang katotohanan ito na kahit wala ni gapatak na dugong nag-uugnay sa bata at sa kanyang ina-inahan ay matatagpuan ang isang sinsero at tunay na pagmamahal.

Kinikilig ang mga tagasuporta ng Pambansang Bae, sa kahit anong anggulo nga naman kasi ay napakaguwapo ng sikat na aktor, pero hindi dapat balewalain ng manonood ang napakalaking ihinusay na sa pag-arte ni Alden Richards.

Kalmado lang ang kanyang atake pero mapuso. Nagagamit na talaga ngayon ng binatang aktor ang kanyang mga mata sa pagtatawid ng emosyon. Hindi niya na kailangan ng mga dayalog dahil sa mga tingin pa lang niya ay nandu’n na ang gusto niyang sabihin.

Nakadadagdag sa pagkagusto kay Alden ng ating mga kababayan ang kawalan niya ng yabang kahit pa isa na siyang importanteng aktor ng kanyang panahon.

Walang angas. Ni hindi nga niya alam na sikat na sikat na siya at marami na siyang naiimpluwensiyahang nangangarap na kabataan.

Hindi niya kinalilimutan ang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang tinatanggap niya, palaging una sa kanya ang pasasalamat, hindi niya itinutuon sa kanyang itsura at talento ang tagumpay na hawak niya ngayon.

At hindi niya ‘yun sinasabi, nararamdaman na lang ng publiko, kaya kuhang-kuha niya ang puso ng ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *