Gutierrez ‘fam day’ binago dahil sa Meralco

Tuwing Sunday ang family day ng pamilya Gutierrez sa White Plains house nila kung saan nagdalaga si Ruffa Gutierrez at lumaki ang mga kapatid niyang sina Rocky, Elvis, Richard, Raymond at Ritchie Paul.

The post Gutierrez ‘fam day’ binago dahil sa Meralco first appeared on Abante.

gutierrez fam day binago dahil sa meralco - Gutierrez ‘fam day’ binago dahil sa Meralco
abante guitterez - Gutierrez ‘fam day’ binago dahil sa Meralco

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Gutierrez ‘fam day’ binago dahil sa MeralcoTuwing Sunday ang family day ng pamilya Gutierrez sa White Plains house nila kung saan nagdalaga si Ruffa Gutierrez at lumaki ang mga kapatid niyang sina Rocky, Elvis, Richard, Raymond at Ritchie Paul.

Pero this week, bukas daw ang family day nila dahil kuwento ni Annabelle Rama, “May notice ang Meralco, from morning to afternoon, wala raw kaming ilaw.

“Birthday pa naman ng apo kong si Aria, kesa naman wala kaming kuryente at ang init, kaya nag-decide kami na sa Saturday na lang ang family day namin,” sey ni Bisaya.

Pero hindi sila complete. Si Ruffa kasi, naka-lock-in ngayon para sa isang project na next week pa raw puwedeng i-announce kung ano.

Pero malamang na darating naman ang mga anak niyang sina Lorin (kung walang maraming homeworks dahil mas matindi pa raw ang online classes ng panganay ni Ruffa ngayong COVID-19 pandemic) at Venice.

Si Sarah Lahbati naman, for sure na pupunta raw (si Richard ay nasa lock-in taping pa ng “FPJ’s Ang Probinsyano”).

Nang maka-text ko naman si Raymond, sinabing magkita raw kami sa White Plains house nga nila.

Once a week lang naman ang family bonding nila, kaya ngayong nasa bansa naman siya dahil nga sa pandemic, palaging nandoon si Raymond.

Eh, Dondon (my dear editor), dahil puwede na nga akong lumabas ngayon (nakatapos na ako ng mandatory quarantine dahil galing ako ng Los Angeles, California at negative ako sa aking COVID-19 swab test), join din ako sa house nila bukas.

Siyempre, I’ll take that opportunity para makatsikahan ko na rin ang pamilya Gutierrez, including their patriarch, si Eddie Gutierrez, at ipapalabas ko ‘yon sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online on Wednesday, 2:00PM.

I’m sure, marami pa ring tsika si Bisaya kahit na halos sa loob lang siya ng kanilang bahay for more than six months now.

Eh, si Tito Eddie naman lately ay nag-e-enjoy dahil on-going na nga ang NBA games at palagi silang magka-bonding ng anak na si Elvis sa panonood.

Artista pinaalis sa taping kahit ‘negative’ sa virus

May update ang source ng Abante tungkol sa artistang PUI (person under investigation) sa isang lock-in taping.

Noong Thursday ay lumabas na ang result ng COVID-19 swab test ng artistang ‘yon, pati ng kanyang P.A. (personal assistant).

NEGATIVE ‘yon, kaya naman nakahinga na ng maluwag ang lahat ng mga kasama nila sa lock-in taping ng kanilang teleserye.

At least, safe silang lahat!

Pero sabi ng source ng Abante, “Ang kuwento sa akin, pinauwi na raw si (pangalan ng artista), pati ang P.A. niya, pero pinagse-self quarantine sila for two weeks.”

Wala namang problema ‘yon dahil nakatakda na rin namang mag-break talaga ang taping ng nasabing teleserye at after ilang weeks pa bago sila magla-lock-in uli.

In fairness sa mga production na on-going ang lock-in tapings at shootings ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, mahigpit nilang ipinatutupad ang health and safety protocols para na rin sa kaligtasan ng lahat ng kasali sa kanilang mga proyekto!

This is the “new normal” at kinasasanayan na rin ito ng lahat.

Ang mga artista, production people at mga crew na gustong may trabaho, aba, dapat lang na sumunod at masanay, huh!

Hindi na puwede ang mga pa-diva ngayon!

Agree, Dondon?!

The post Gutierrez ‘fam day’ binago dahil sa Meralco first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *