Gusto na uling magkadyowa: Bea insecure kina Anne, Angel, Angelica

Ang bongga ng ‘Ask Bea’ ni Bea Alonzo sa YouTube channel niya, dahil lahat ng mga tanong na may kinalaman sa buhay pag-ibig niya ay sinagot niya.

The post Gusto na uling magkadyowa: Bea insecure kina Anne, Angel, Angelica first appeared on Abante.

gusto na uling magkadyowa bea insecure kina anne angel angelica - Gusto na uling magkadyowa: Bea insecure kina Anne, Angel, Angelica
bea 4 - Gusto na uling magkadyowa: Bea insecure kina Anne, Angel, Angelica

dondon sermino 11 - Gusto na uling magkadyowa: Bea insecure kina Anne, Angel, AngelicaAng bongga ng ‘Ask Bea’ ni Bea Alonzo sa YouTube channel niya, dahil lahat ng mga tanong na may kinalaman sa buhay pag-ibig niya ay sinagot niya.

Pero siyempre, naging maingat din ang mga fan, o naging maingat din si Bea sa pagpili ng mga taong, dahil never ngang nabanggit ang mga pangalan, o isyu na pinagdaanan niya, kina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Pero, okey na rin, at sinagot nga niya ang tanong sa kung ano ang natutunan niya sa nakaraang pagkabigo niya sa pag-ibig.

“That I am stronger than I think, that I am resilient, that I can survive anything in life, and that I am worthy,” chika niya.

Paano ba ang tamang pagmu-move on?

“Just do. It wont come instantly… it wont be easy, just take it one day at a time. Acknowledge your feelings. If you’re not okey, kung hindi mo pa napapatawad ang taong nanakit sa iyo, okey lang `yon. Pero, darating din naman ang time na `yon. Just trust the process.

“Kasi sometimes, mapupunta ka sa situation na parang hindi mo kaya, na sobrang painful, pero magtiwala ka lang sa proseso.”

So, ano ang mas bet niya ngayon, mahal ka o mahal mo?

“Dati sinasabi ko mahal ko, kasi di ba `yon ang magdadala sa totoong kaligahayan, kapag mahal mo. Pero ngayon, naniniwala na ako sa sinasabi ng nanay ko, na mas magiging tunay na masaya ako, at mas magtatagal ang relasyon kung pipili ako ng tao na mas mahal ako. So, nandun ako sa mas mahal ako.”

Kumusta ang lagay ng puso niya?

“Okey siya. Nagi-entertain siya, open siya na maging masaya,” sagot ni Bea.

Bongga rin ang sagot ni Bea sa tanong na, ‘ano ang maipapayo niya sa mga babae na walang self confidence’?

“Actually, I was just like you then, when I was a teen-ager. Wala akong confidence at all.

“At that time mga kasabayan ko sina Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, na sobrang ang ha-hot nila, really good actors. So ako, parang nag-focus ako sa mga bagay na make me feel, I am most alive, and un-insecure, and that was acting. I felt empowering when I was acting.

“Love yourself for who you are. No body will love you as much as you love yourself. If people see you, na minamahal mo ang sarili mo, people will start to actually respect you.”

Anyway, marami raw natutunan si Bea bilang isang Kapamilya.

“Lahat ng alam ko sa business, natutunan ko sa ABS-CBN. Pero, ang mahalaga, natuto akong magmahal, how to take care of one another, natutunan ko ang value of hardwork. And gift of friendship, dahil 90% ng mga kaibigan ko ay from ABS-CBN, dahil nag-start ako sa showbiz ng 13 years old. Parang hindi ko pa nabubuo ang pagkatao ko noon. Sila ang nagbuo ng pagkatao ko.”

John Lloyd, Ian type ni Alonzo

Ang pelikulang One More Chance with John Lloyd Cruz daw ang maitutuing na biggest turning point ng buhay, o career niya.

“At thtt time parang ayoko na mag-artista. Pero, dahil sa movie na `yon, nagbago ang lahat.”

Pero, biggest turning point din daw ang heart breaks, dahil natuto siya na mas maging mabuting tao.

“More lessons, more wisdoms. Be mindful of all the learnings.”

Siyempre, bet na bet niyang makatrabaho ulit si John Lloyd. Paborito nga raw niya ang mga karakter nina Popoy at Basha.

“Definitely… He’s such a great actor.”

Pero siyempre, type pa rin niyang makatrabaho si Ian Veneracion.

“Ang guwapo kasi ni Papa Ian, at may chemistry rin talaga kami.”

Mensahe sa mga basher?

“Its never okey to be a basher. We need more positivity ngayon. If they want to bash me, hanggang diyan lang naman sila, hindi naman ako mapapatay ng mga salita. Baka sila, maapektuhan sila, kasi sila naman magdadala noon.

“But if that’s what they want, go lang, kung happy sila,” say na lang ni Bea.

The post Gusto na uling magkadyowa: Bea insecure kina Anne, Angel, Angelica first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *