Gumiling sa disyerto: Maymay rumampa nang naka-bikini sa Dubai

Super enjoy si Maymay Entrata sa bakasyon niya sa Dubai, kasama ang kaibigang negosyante na base roon, si Josh Yugen.

The post Gumiling sa disyerto: Maymay rumampa nang naka-bikini sa Dubai first appeared on Abante.

gumiling sa disyerto maymay rumampa nang naka bikini sa dubai - Gumiling sa disyerto: Maymay rumampa nang naka-bikini sa Dubai
abante maymay entrata - Gumiling sa disyerto: Maymay rumampa nang naka-bikini sa Dubai

Super enjoy si Maymay Entrata sa bakasyon niya sa Dubai, kasama ang kaibigang negosyante na base roon, si Josh Yugen.

Makikita nga sa Instagram story ang iba’t ibang aktibidades ni Maymay na puro nakakaaliw.

May isang IG story siya na nagsasayaw, todo giling siya sa buhanginan o disyerto sa Dubai, habang bini-video siya.

At may isa naman na naglalakad siya sa buhanginan pa rin, sa tabi ng dagat. At yes, naka-2-piece bikini swimsuit si Maymay sa photo na `yon, pero sa naturang photo, nilagyan niya ng jacket ang lower part niya.

Ang feeling ko, `yun lang ang pinost niya sa IG, pero marami siyang photo na wala siyang suot na jacket, o hindi nakatago ang lower part niya.

Pinipilit kasi siya ng mga kaibigan, kasama niya sa movie na Princess DayaReese na sina Chie Filomeno, Allora, at iba pa, na ilabas na `yung isang photo.

At ramdam na bitin ang mga fan sa sexy photo na `yon ni Maymay, dahil lahat sila ay humihiling na ilabas na ni Josh Yugen ang iba pang photo nito.

Well, for sure, isa sa mga araw na ito ay may maglalabasang mga sexy photo ni Maymay na kuha sa tabing dagat sa Dubai, at `yun ang dapat niyong abangan! (Dondon Sermino)

The post Gumiling sa disyerto: Maymay rumampa nang naka-bikini sa Dubai first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *