Grupo ng ‘Asap’ nag-ayuda ng P100K sa mga batang Payatas

Waging-wagi ang naging benefit concert ng “ASAP Natin To” sa Kumu app para sa Payatas Kids Choir dahil nakatanggap sila ng limang milyong diamonds o katumbas ng higit sa P100,000 na iniambag ng Kapamilya fans.

The post Grupo ng ‘Asap’ nag-ayuda ng P100K sa mga batang Payatas first appeared on Abante.

grupo ng asap nag ayuda ng p100k sa mga batang payatas - Grupo ng ‘Asap’ nag-ayuda ng P100K sa mga batang Payatas
ASAP 1 - Grupo ng ‘Asap’ nag-ayuda ng P100K sa mga batang Payatas

Waging-wagi ang naging benefit concert ng “ASAP Natin To” sa Kumu app para sa Payatas Kids Choir dahil nakatanggap sila ng limang milyong diamonds o katumbas ng higit sa P100,000 na iniambag ng Kapamilya fans.

Pagdating talaga sa pagtulong sa kapwa, unang-una ang “ASAP” family tuwing taon. Kada Christmas season kasi, mayroon silang nakapilang charity events kasama ang kanilang stars.

Maagang pamasko na rin ang “ASAP” benefit concert sa fans ng show na sinabayan ang kanilang energy online kahit pa umabot ng apat na oras ang benefit concert.

Sa bawat pasabog na performance, bumaha rin ng diamonds mula sa Kapamilya fans na sobrang natuwa at pinuri ang kanilang paboritong “ASAP” stars.

Komento ni @_notjenner, “Queen Regine Velasquez Alcasid start: 1.445M, end: 2.983M Grabe Queen Regine talaga nag-iisa #ASAPNatinTo.”

“Gabing gabi na nasa KUMU pa rin ako. Concert ito!! #ASAPNatinTo,” saad ni @viadosr200.

Bukod sa perfomance nina Jed at Regine, kumanta rin sa nasabing concert sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Ogie Alcasid, JONA, Erik Santos, Inigo Pascual, Jeremy Glinoga, Nyoy Volante, Elha Nympha, Janine Berdin, Kyla, at KZ Tandingan.

Ang nasabing benefit concert ay pinangunahan ni Robi Domingo bilang host.

Nakakatuwa lang na kahit hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, nakahanap pa rin ng paraan ang “ASAP” na makatulong sa kapwa at ipagpatuloy ang tradition ng show. (Dondon Sermino)

The post Grupo ng ‘Asap’ nag-ayuda ng P100K sa mga batang Payatas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *