Gretchen ‘wag na tayo mag-away, manahimik ka na – Annabelle

Alam mo, Dondon, kahit nasa Milan, Italy ako habang on-going ang Opulence Halloween event ni Raymond ay nakatutok ako roon at pinadadala ng assistant ko na si Al Sumayo ang mga video ng mga celebrity na ini-interview.

gretchen wag na tayo mag away manahimik ka na annabelle - Gretchen ‘wag na tayo mag-away, manahimik ka na – Annabelle
anabelle 4 - Gretchen ‘wag na tayo mag-away, manahimik ka na – Annabelle

Alam mo, Dondon, kahit nasa Milan, Italy ako habang on-going ang Opulence Halloween event ni Raymond ay nakatutok ako roon at pinadadala ng assistant ko na si Al Sumayo ang mga video ng mga celebrity na ini-interview.

Si MJ Felipe ng “TV Patrol” (ABS-CBN), hindi pinalampas ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama. Of course, tinanong ni MJ si Bisaya tungkol kay Gretchen Barretto at in fairness to her, kahit narinig niya ang pangalan ng babaeng umaway sa panganay niyang si Ruffa Gutierrez, malumanay pa rin ang pagsagot niya.

Sa una ay sinabi ni Bisaya kay MJ na tapos na ‘yon at, “Hindi na naman siya sumagot.”

Pero humirit si MJ kung nasaktan at nagalit ba si Bisaya, kaya sumagot siya ng, “Siyempre naman, hindi naman siya kasama sa ‘fresh’. Iba naman ang pinagsabihan ni Ruffa, bakit siya naman ang sumagot? Hindi tama ‘yon.”

Sinabi rin ni Bisaya na ok lang na hindi na sumagot sa kanya si Gretchen, na huminto na ito. Pero kung sasagot pa si Gretchen, sasagot din daw si Bisaya.

Tinanong din ni MJ si Bisaya sa piece of advice niya kay Gretchen.

“Sana manahimik ka na ‘Day. Tutal mayaman ka na, i-enjoy mo ang kayamanan mo. I-enjoy mo na ang pera mo. Huwag na tayong mag-away-away pa.

“Peace, of course, importante ‘yang peace!” malumanay pa ring sagot ni Bisaya sa tanong ni MJ.

After ng interview ni Bisaya, marami ang nagsabi sa akin na bilib sila sa pagiging malumanay niya, kaya nang makausap ko si Bisaya kahapon, ‘yon ang unang tinanong ko sa kanya.

“‘Di ba sabi ko naman na magandang peace na ang lahat, saka wala na namang sagot, kaya bakit naman ako magtataray,” sey ni Bisaya na kasamang nagla-lunch ang mister na si Eddie Gutierrez at Mother Lily Monteverde sa isang Japanese restaurant kahapon. (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *