Gretchen trahedya ang naransan kay Mayweather!

Inisip na lang ni Gretchen Ho na isang hindi pangit na experience ang naranasan niya nu’ng Martes sa Resorts World Hotel.

The post Gretchen trahedya ang naransan kay Mayweather! appeared first on Abante News Online.

gretchen trahedya ang naransan kay mayweather - Gretchen trahedya ang naransan kay Mayweather!
Abante 2019 Gretchen Ho - Gretchen trahedya ang naransan kay Mayweather!

Inisip na lang ni Gretchen Ho na isang hindi pangit na experience ang naranasan niya nu’ng Martes sa Resorts World Hotel. Siya kasi ang naatasang maging host sa isang press conference ni Floyd Mayweather, Jr. na nasa bansa ngayon.

Inabot kasi nang mahi­git 8 hours ang paghihintay ni Gretche­n, pati ang ibang mga taga-media kay Floyd na after more than 8 hours nga ay hindi na talaga nakasipot pa. Kaya nilibang na lang ni Gretchen ang sarili.
Heto nga ang sabi ni Gretchen:

“A tragedy is always a good story to tell. “Me on Mayweather’s no-show at the presscon after 8+ hours of waiting. Now, I can tell my grandkids, I was once stood up by Floyd.”

May nag-udyok kay Gretchen na kasuhan si Floyd. Merong nagsabi na kesyo bayad naman daw si Gretchen, kaya wala itong karapatan na magreklamo.

“Who says I got paid? I wasn’t complaining! I was being positive! All cool yo!” sagot ni Gretchen kay @sir_sher.

Early this week ay dumating sa bansa si Mayweather para sa isang produkto na ie-endorse niya. Dumiretso agad siya sa Boracay at nag-stay du’n nang ilang araw.

Pagbalik sa Manila ay agad siyang sumailalim sa isang procedure at nagkaroon nga ng mini presscon. Balita ko after noon ay nakipagkita siya kay Sen. Manny Pacquiao at naglaro sila ng basketball.

Hindi namin alam kung hanggang kailan dito si Floyd at magkita kaya sila ni Pangulong Rodrigo Duterte? (Joe Barrameda)

The post Gretchen trahedya ang naransan kay Mayweather! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *