Gretchen, Tony Boy nagpakilig sa IG

Muling pinahanga ni Gretchen Barretto ang kanyang mga supporter sa latest video na pinoste niya. Nasorpresa at bumilib din ang mga fan ni Gretchen sa long time live in partner niyang si Tony Boy Cojuangco.

The post Gretchen, Tony Boy nagpakilig sa IG first appeared on Abante.

gretchen tony boy nagpakilig sa ig - Gretchen, Tony Boy nagpakilig sa IG
Gretchen - Gretchen, Tony Boy nagpakilig sa IG

Muling pinahanga ni Gretchen Barretto ang kanyang mga supporter sa latest video na pinoste niya. Nasorpresa at bumilib din ang mga fan ni Gretchen sa long time live in partner niyang si Tony Boy Cojuangco.

Mapapanood sa Instagram ni Gretchen na nasa harap ito ng mesa at kumakanta ng ‘Moon River’. Kasama sa video ang business tycoon na siya namang tumutugtog ng gitara habang ang guide nito ay ang chords ng awitin sa kanyang cellphone.

Hindi lang ang magandang singing voice ni Greta ang nagpahanga sa kanyang mga follower, kundi ang kakayahan ng kanyang mister na tumugtog ng gitara.

Ipinakita ng dalawa ang potential na bumuo sila ng music collaboration. Pero ang nakakatuwa, marami ang kinilig na makita sila na tandem sa pagpi-perform. (Rey Pumaloy)

The post Gretchen, Tony Boy nagpakilig sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *