Gretchen nagsalita na kay ‘Karen’

Bentang-benta sa mga loyal viewer ng “Umagang Kay Ganda” ang ginawang parody or gawa-gawang impersonation ng mga host ng morning show sa mainit na usapin ng mga Barretto.

gretchen nagsalita na kay karen - Gretchen nagsalita na kay ‘Karen’
gretchen x kaladkaren - Gretchen nagsalita na kay ‘Karen’

Bentang-benta sa mga loyal viewer ng “Umagang Kay Ganda” ang ginawang parody or gawa-gawang impersonation ng mga host ng morning show sa mainit na usapin ng mga Barretto.

Tila nakisawsaw na rin sila sa Barretto issue, lalo na nang nag-super trending ang panayam ni Karen Davila kay Marjorie Barretto sa “TV Patrol” noong Martes ng gabi.

“Kapamilya, ito na po ang hinihintay ng lahat. Ang panayam naman ni Karen kay Gretchen. Sasagutin lahat punto por punto, ekslusibo,” bungad ni UKG host Anthony Taberna bago ipinakita si Kaladkaren Davila na kausap si “Gretchen” sa isang sit down interview.

Rinig sa studio ng UKG ang hagalpakan ng tawa, dahil ang “Gretchen” pala na tinutukoy ay si Gretchen Ho, kuntodo shades pa at nagpapanggap na si Gretchen Barretto nga, na kunwari’y rumesbak na kay Marjorie.

Ani Kaladkaren, “Dasal namin, sampu ng Umagang Kay Ganda at ABS-CBN ang pagbabati ninyo at ang pagkakaroon mo ng love life.”

“‘Yun lang din ang dasal ko,” seryosong sagot naman ni Ho.

Ang taba rin naman kasi ng utak ng nakaisip sa concept nito, na timing dahil kapangalan nina Ho at Kaladkaren ang mga posibleng next scenario after ng banat ni Marjorie sa kanyang mga kapatid at pamangkin. (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *