Gretchen may bagong pasabog vs Marjorie

Sino ba si @bashing.shing? Siya ba ay dummy account ni Gretchen Barretto sa Instagram?

gretchen may bagong pasabog vs marjorie - Gretchen may bagong pasabog vs Marjorie
gretchen 9 - Gretchen may bagong pasabog vs Marjorie

Sino ba si @bashing.shing? Siya ba ay dummy account ni Gretchen Barretto sa Instagram?

Anyway, sa isa sa mga IG post ni @bashing.shing ay inakusahan na nga siya na siya si La Greta.

“Jusko obvious na si @gretchenbarretto ang may ari ng account na ito. Galit na galit ke @marjbarretto at @juliabarretto pati kay manay @akosilolitsolis hahahah. Hoy gretang sawsawera wag magtago sa pic ni Princess Punzalan. Gaga!” sabi ni @chikaneness321.

At heto nga ang sagot ni @bashing.shing:

“Hoy tanga-tangang boba wish ko lang nga ako si @gretchenbarretto dahil napakayaman niya at walang bad vibes sa life. Tseeee!”

Anyway, kataka-taka nga kasi na galit na galit daw si @bashing.shing kay Marjorie, at damay na rin si Julia.

Pero sa IG niya, may mga post din siya ng mga nakakalaban ni Greta, like Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. May iba rin siyang post tungkol sa ibang mga artista.

So, sino nga ba si @bashing.shing?

Anyway, may bago na naman ngang IG post si @bashing.shing na mula raw sa IG story ni La Greta. Pero nu’ng time na hinanap ko sa account ni Gretchen ay wala na.

Sa IG na nga ni @bashing.shing ko lang ito nakita. At ‘yun na nga, pasabog na naman ang kuwentong ito.

Sabi nga, bagong ebidensiya raw ito ni Gretchen na magpapatunay ng totoong ugali ni Marjorie?

Sa Instagram post na ito ni @bashing.shing na galing umano sa IG story ni Gretchen, maririnig sa video ang pag-uusap ng kampo nina Marjorie nu’ng nasa ospital pa sila.

“Super drama to death si ano… Inday.”

“What happened?”

“Baka masapak ko.”

‘Yan nga ang mga salitang maririnig mo sa naturang video. At in-assume nga ng mga netizen, na ang tinutukoy ni Marjorie na Inday sa video ay si Mommy Inday. Since Mommy Inday naman talaga ang tawag sa nanay ng mga Barretto, ‘di ba?

So, ano nga ba? Hindi pa nga tapos ang giyera ng mga Barretto. Konting pahinga lang, at heto na nga, balik na ulit sila sa awayan?

Medyo nakakabitin lang daw, dahil panaka-naka lang ang mga IG post ni La Greta. At si Marjorie, ang last post pa niya ay ang mga photo sa bahay niya na kasama niya si Mommy Inday, ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *