Gretchen magsusumbong kay Tulfo?

Kasabay ng matinding hidwaan ng Barretto sisters, sunod-sunod ngang naglalabasan ang memes gaya ng pakulo ng mga netizen na maaaring magsumbong ang magkakapatid sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo”.

gretchen magsusumbong kay tulfo - Gretchen magsusumbong kay Tulfo?
gretchen x raffy - Gretchen magsusumbong kay Tulfo?

Kasabay ng matinding hidwaan ng Barretto sisters, sunod-sunod ngang naglalabasan ang memes gaya ng pakulo ng mga netizen na maaaring magsumbong ang magkakapatid sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo”.

So, matapos ang mabigat na rebelasyon ni Marjorie Barretto nitong Martes sa telebisyon with Karen Davila, lalong umingay sa social media ang mga netizen at pinagkatuwaan ang isyu ng mga Barretto.

Maraming netizen ang pinaglaruan ang mukha ni Marjorie habang pinanunuod ang panayam with Karen o hinuli at kinuhanan ang gigil face ni Marjorie.

Pero guess what? Ang pinaka-winner at bumulabog sa lahat ay ‘yung one step closer ni Greta na lapitan si Raffy Tulfo na una ay biruan lang ng mga netizen.

Kitang-kita talaga na nasa listahan na ng following ni Greta ang account ni Raffy. Pero hindi pa ito nagpa-follow back kay Gretchen. Ang juice diyan ay ‘yung ni-repost na IG story ni Tulfo ang post ng troll account na Senyora Santebañez kung saan naka-screen shot ang pag-follow ni Greta kay Tulfo with caption pa na “E may finollow si @gretchenbarretto sa IG! May TV Patrol ka pang nalalaman @marjbaretto ha. Lagot!”

So ibig sabihin, aware na nga ang team Tulfo na may one step move na si Greta. Ano na kaya ang susunod? Naku, mukhang mas iinit pa lalo itong sabungan ng magkakapatid na ‘to, ha! Nakaka-teleserye na talaga! Ano kayang magandang title sa teleserye nila? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *