Gretchen ‘di bibigyan ng special treatment ni Tulfo

Inabisuhan ni Raffy Tulfo ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na tigilan na nila ang magsiraan in public at mag-focus sila sa pagiging isang pamilya.

gretchen di bibigyan ng special treatment ni tulfo - Gretchen ‘di bibigyan ng special treatment ni Tulfo
gretchen x raffy 1 - Gretchen ‘di bibigyan ng special treatment ni Tulfo

Inabisuhan ni Raffy Tulfo ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na tigilan na nila ang magsiraan in public at mag-focus sila sa pagiging isang pamilya.

Nalaman kasi ni Raffy na gustong magpa-interview ni Gretchen sa kanya para masagot nito si Marjorie. Pero iba raw ‘yung ipinatawag nila ang isang guest para mag-guest sa kanila.

Kung gusto raw pumunta ni Gretchen, kailangan daw niyang pumila at maghintay ng pagkakataon niya sa radio show ni Raffy.

“Bukas po ang aming tanggapan kung sakali man po, nagdesisyon po itong Barretto sisters na mag-usap-usap at pagbabatiin po namin sila dito.

“Baka hindi sila papayag dahil hihiga ba sila diyan at maglalatag sila ng banig at karton diyan? Pagkahaba-haba ng pila.

“Pero puwede bigyan ng exception kung tayo ang magpapatawag. Pero kung sila mismo pupunta dito, kailangang pumila,” diin pa ni Raffy.

Kaya ito na lang daw ang puwedeng niyang ipayo sa Barretto sisters…

“Eto stand ko, hindi pa rin natin maaalis, kahit anong klaseng sulsol ang gagawin ng ibang tao diyan, buong Pilipinas magkokomento ukol sa away-away nila, hindi pa rin maaalis natin na sila ay magkakapatid.

“End of the day, darating ‘yung araw, magkakabatian po sila, kaya lang it’s a matter of time. In God’s time.

“Sana magkabati-bati po kayo, magkapatid po kayo… Kalimutan ang tsismis, ang importante kayo ay magkakapatid,” diin pa ni Raffy. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *