Gretchen, Claudine kakasuhan si Marjorie

Si Marjorie Barretto ang itinuturo ni Gretchen Barretto na nagpakalat ng tsismis tungkol sa diumano ay utang ni Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao.

The post Gretchen, Claudine kakasuhan si Marjorie appeared first on Abante News Online.

gretchen claudine kakasuhan si marjorie - Gretchen, Claudine kakasuhan si Marjorie
Abante 2019 Marjorie Barretto - Gretchen, Claudine kakasuhan si Marjorie

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Gretchen, Claudine kakasuhan si MarjorieSi Marjorie Barretto ang itinuturo ni Gretchen Barretto na nagpakalat ng tsismis tungkol sa diumano ay utang ni Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao.

Nag-Instagram live si Claudine nu’ng Miyerkules nang gabi sa bahay ni Gretchen sa Forbes Park, para linawin ang kumakalat na balitang baon siya sa utang sa misis ni Sen. Manny Pacquiao.

Sa IG Live, iginiit niya na gusto niyang linawin ang isyu dahil nadadawit nga ang pangalan ng kanyang kumareng si Jinkee. Sina Jinkee at Manny ay godparents ni Sabina.

At sa mismong IG live na ‘yon ni Claudine ay nag-comment nga si Jinkee, at nagsabing walang utang sa kanya si Claudine.

“Mare ipaalam ko lang sa kanila na wala kang utang sa akin. At wala tayong business. Masaya ako na friends tayo at kumare kita. I love you u mare!” sabi ni Jinkee.

“Thank u for clearing my name @jinkeepacquiao,” sabi naman ni Claudine.
Sumisilip si Gretchen sa IG live ni Claudine para i-check ang mga comment sa kapatid. Binanggit nito na may caller si Claudine nang madaling-araw, na ayaw naman niyang sabihin.

Pinipilit niya ang bunsong kapatid na sabihin kung sino ito, pero sinabi nitong “ate” ni Claudine ang caller.

Kometo pa ni Gretchen, “Bakit ka niya inaapi?”

Lumalabas sa voice over comment ni Gretchen na si Marjorie Barretto nga ang caller, at tila kasama raw nito ang politician boyfriend, nu’ng sabihin ng una na narinig pa niya ang boses ni ex-mayor.

Nag-comment si Gretchen sa posting ni Claudine, nagpasalamat siya sa paglilinaw ni Jinkee na walang utang ang kapatid. At dito diretsahang binanggit ni Gretchen ang pangalan ni Marjorie na nagkalat daw ng balita, kasunod ang pagbanggit nito sa pangalan nina Cristy Fermin at Lolit Solis, na pinanggalingan daw ng intriga.

“@jinkeepacquiao, thank you so much for clearing the issue. I will be forever grateful to you. I am not blaming my friends Tita Cristy Fermini &Tita Lolit. We investigated & was told that MARJORIE BARRETTO IS THE ONE SPREADING THE (the utang issue). Low bow,” sabi pa ni Greta.

Umamin si Claudine na meron siyang utang sa mag-asawang Jinkee at Manny, at ‘yun ay “Utang na Loob” dahil sa support ng dalawa kay Sabina. Binubusog daw nina Manny at Jinkee ang kanyang anak, ayon pa kay Claudine. Isa na nga rito ay ang pagdalo ng mga ito sa graduation ni Sabina.

May planong kumunsulta sa lawyer sina Claudine at Gretchen para sa isyu na ito ng huli. Ayaw munang magsalita sa detalye ng planong pagdemanda dahil sa “utang issue” dahil ayaw muna nilang ibahagi sa publiko ang magiging desisyon nila.

Nais ni Gretchen na kasuhan ang nagkakalat ng maling balita sa kapatid.

Malalaman naman daw ito ng netizen sa napipintong panibagong IG live.

Marami silang isisiwalat ni Claudine sa pagharap sa social media.

Marjorie kinampihan ang kaaway ni Greta

Samantala, tila pasimpleng nang-iinis o naninirya si Marjorie sa ate niyang si Gretchen kaugnay sa pinoste nitong larawan sa kanyang IG. Ang sinasabing babaeng tinulungan ni Kris Aquino sa kanyang tax problem na si Alice Eduardo ay kadikit ngayon ni Marjorie.

Nag-celebrate ng kanyang intimate birthday gathering at dumalo dito si Marjorie.

@marjbarretto, “More of @aliceeduardo birthday dinner last night.”
Ilan sa mga celebrity na dumalo sa party ni Alice ang mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez. Nandoon din si Pops Fernandez, at ang talent business ma­nager na si Jojie Dingcong.

The post Gretchen, Claudine kakasuhan si Marjorie appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *