Greta balik sa pagpapatutsada kay Marjorie?

Start na ba ulit si Gretchen Barretto sa mga patutsada kay Marjorie Barretto? Ang Instagram story ba niyang ito ay para ulit kay Marjorie?

greta balik sa pagpapatutsada kay marjorie - Greta balik sa pagpapatutsada kay Marjorie?
gretchen2 - Greta balik sa pagpapatutsada kay Marjorie?

Dondon Sermino Paistaran 39 336x224 - Greta balik sa pagpapatutsada kay Marjorie?Start na ba ulit si Gretchen Barretto sa mga patutsada kay Marjorie Barretto? Ang Instagram story ba niyang ito ay para ulit kay Marjorie?

‘The faker you are, the bigger your circle will be. The realer you are, the smaller your circle will be. These are well know facts.”

Oh yes! ‘Yan nga ang reaksyon ni La Greta sa mga linyang ito.

Kung iku-connect mo, marami nga kasi ang nakakapansin na sa mga Barretto ay konti lang ang nakakasama ni Gretchen, hindi tulad kay Marjorie na sangkatutak nga, ‘di ba?

Well, hinala lang naman ito ng mga fan, ha!

Anyway, panay nga ang post ni Gretchen ng isang bonggang dinner na kung saan ay kasama na naman niya ulit sina Dada (Tonyboy Cojuangco) at Mr. Atong Ang. Magkatabi pa sa upuan sina Atong at Tonyboy, ha!

Meaning, walang friction sa pagitan nina Tony at Atong. Okey na okey sila! Dedma si Tonyboy sa sinabi ni Marjorie na magdyowa sina Greta at Atong.

‘Barangay 143’ kinilala sa Asian Academy Creative Awards

Pinarangalang regional winner sa tatlong kategorya ang first Filipino anime drama series na “Barangay 143” sa 2019 Asian Academy Creative Awards.

Kinilala ang anime na gawa ng Synergy88 Entertainment Media Inc. ng Pilipinas, August Media Holdings ng Singapore, at TV Asahi ng Japan, bilang “Best Animated Programme or Series (2D or 3D),” “Best Drama Series,” at “Best Theme Song or Title Theme” para sa awiting “Liga ng Buhay” na sinulat nina Thyro, Yumi, at Shehyee.

“Masaya kami na isang taon pa lang matapos ang pilot telecast ng ‘Barangay 143’ sa GMA 7 ay agad itong umaani ng parangal at karangalan para sa bansa natin. Patunay ito na world class talaga ang talento ng Pinoy maging sa larangan ng animation,” sabi ni executive producer at Synerg88 managing director Jackeline Chua.

Ang Gala Night ng Asian Academy Creative Awards ay gaganapin sa Disyempre sa Singapore kung saan malalaman kung magwawagi ang “Barangay 143” at iba pang regional winners mula Pilipinas kalaban ang entries mula sa iba’t ibang panig ng Asya.

Samantala, nagdala naman ng pitong nominasyon sa apat na kategorya ang “Barangay 143” sa nalalapit na Asian TV Awards.

Kabilang dito ang Best 2D Animated Programme, Best Direction (Fiction) para kay Jyotirmoy Saha, Best Actress in a Leading Role para kay Julie Anne San Jose na siyang gumanap sa karakter ni Vicky, at Best Theme Song para sa “Para Sa Isa’t Isa” nina Nina at JinHo Bae, “Liga ng Buhay” nina Top Suzara at Harlem Ty, “Alanganin” nina Kris Lawrence at Krizza Neri, at “Dito Sa Barangay 143” nina Gloc 9 at Maya.

Bukod sa pag-produce ng anime, nasa negosyo ng interactive entertainment din ang Synergy88 at kamakailan ay inilunsad ang bago nitong video-on-demand platform na POPTV PINAS. Maaari itong ma-download sa Google Play at App Store at may POPTV stations sa piling lugar sa Metro Manila.

Bianca Umali naadik sa cliff diving, mountain hiking

Ang bongga lang ng “Amazing Earth” host na si Dingdong Dantes dahil finally ay natupad ang isa sa mga dream niya, ang ‘European Motorcycle Adventure’ with his riding buddies. This epic road trip covers 4 countries and 2,000 kilometers where nature is at its shining best!

Anyway, ngayong gabi sa “Amazing Earth”, muli ngang masisilayan ang kaseksihan ni Bianca Umali na isang beach enthusiast. Isi-share niya ang kanyang passion for nature. Mula sa cliff diving to mountain hiking, she sees outdoor activities as a way of relaxation and commune with nature.

As a young star, she already learned how to dive and recounts her most memorable underwater experience. Tutok lang sa “Amazing Earth” mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *