‘Great love story’ si Gerald

Nang tanungin si Bea kung ano ang love para sa kanya, mabilis niya itong sinagot ng, “Putting someone’s happiness before your own.”

The post ‘Great love story’ si Gerald appeared first on Abante News Online.

great love story si gerald - ‘Great love story’ si Gerald
ABANTE gerald bea - ‘Great love story’ si Gerald

Nang tanungin si Bea kung ano ang love para sa kanya, mabilis niya itong sinagot ng, “Putting someone’s happiness before your own.”

Sa definition pa lang ng pagmamahal ni Bea, masasabi talagang napaka-suwerte ng lalaking minamahal niya at sa ngayon, alam ng lahat na si Gerald Anderson ito.

Theirs is a “love is lovelier the second time around.”

Sa nakaraang 30th birthday ni Gerald, si Bea ang punong-abala sa pagbibigay ng surprise party sa boyfriend. Sa pamamagitan din ng kanyang Instagram account ay ipinagsigawan ni Bea sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal sa pamamagitan ng throwback picture nila.

Aniya, “This photo was taken back in 2010. Back when I fell in love with you for the first time. Amazing how time just flies. Can’t help but get a little sentimental especially because you’re spendin­g your 30th birthday in another continent in a different picture. You are a wonderful man. You are my great love story.”

Maging si Gerald, tahasan nitong sinasabi na level-up na ang relasyon nilang dalawa ni Bea.

Ayon kay Gerald, “Honestly, level-up na ito, sobra. Ang dami kong natutunan sa kanya. Kung paano ko pahalagahan ang isang tao at ‘yung oras niya, level up ‘yun sa akin.

“We’re happy, steady lang.”

The post ‘Great love story’ si Gerald appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *