Goodbye Kisses: Donny, Sharlene pagtatambalin

Isa sa mga bumubuo ng produksyon ng mga programang “MMK”, “Ipag­laban Mo”, “Los Bastardos” at “Nang Ngumiti ang Langit” na si John Carlo Hermano ay nagtanong sa Twitter kung active pa ba sa pag-aartista ang batang aktres/host na si Sharlene San Pedro dahil pansin daw ng direktor na busy si Shar sa kanyang hosting at […]

The post Goodbye Kisses: Donny, Sharlene pagtatambalin appeared first on Abante News Online.

goodbye kisses donny sharlene pagtatambalin - Goodbye Kisses: Donny, Sharlene pagtatambalin
donny sharlene - Goodbye Kisses: Donny, Sharlene pagtatambalin

Isa sa mga bumubuo ng produksyon ng mga programang “MMK”, “Ipag­laban Mo”, “Los Bastardos” at “Nang Ngumiti ang Langit” na si John Carlo Hermano ay nagtanong sa Twitter kung active pa ba sa pag-aartista ang batang aktres/host na si Sharlene San Pedro dahil pansin daw ng direktor na busy si Shar sa kanyang hosting at pag-aaral.

Sumagot naman ang batang host at sinagot na “IM G ANYTIME,” so ano nga bang ibig sabihin nito? Muli na bang sasabak sa national TV at maghe-heavy drama na si Sharlene?

Eto pa, ha! Nire-request pa ng mga fan na pagsamahin sina Sharlene at Donny Pangilinan sa isang palabas dahil nagustuhan nila ang chemistry ng dalawa lalo na kapag magkasama silang mag-host sa MYX channel.

Sa kabila ng mga request ng ibang fan, tanong naman ng ilang fan kung kaya kayang makipagsabayan ni Donny sa acting ni Sharlene knowing na bata pa lamang ay hasa na sa drama ang batang iyon?

Ipinagtanggol naman ng ibang fan si Donny, na bakit pinagdududahan ang kakayanan ni Donny, eh nakapag-MMFF naman na ang batang aktor?

Anyway, sa ngayon ay inaabangan na ng mga fan kung ano kaya ang io-offer kay Sharlene ni Direk John Carlo ngayo’t tumugon na ang batang aktres sa kanya.

Pero teka lang, sigurado akong magwawala ang mga fan nina Donny at Kisses Delavin kapag nangyari na pagsasamahin naman o gaga­wing love team sina Sharlene at Donny. (Athena Yap)

The post Goodbye Kisses: Donny, Sharlene pagtatambalin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *