Goma lumaki tiyan sa pagluluto

Sa halip na mag-artista uli, mas gusto ni Ormoc Mayor Richard Gomez ang mag-cooking show sa Instgram at YouTube.

The post Goma lumaki tiyan sa pagluluto first appeared on Abante.

goma lumaki tiyan sa pagluluto - Goma lumaki tiyan sa pagluluto
Richard Gomez - Goma lumaki tiyan sa pagluluto

Sa halip na mag-artista uli, mas gusto ni Ormoc Mayor Richard Gomez ang mag-cooking show sa Instgram at YouTube.

Tuluyan na nga yatang iniwan ng dating matinee idol at binansagang “Brown Adonis” ng Philippine Entertainment Arena, ang showbiz at ang pagiging cook ang pinagkaabalahan nito sa socmed.

Bukod sa mga related events-updates sa kaganapan sa Ormoc City, ang pagluluto ang mas nakahiligan nitong i-share sa publiko.

Natuwa naman at may natutunan ang kanyang mga viewer sa mga putahe na niluluto ni Goma.

Ang maganda sa kanyang cooking show, mula sa kanyang garden ang gulay at herbs na isinasahog niya sa pagluluto. Nasa bakuran lang ng kanyang bahay ang garden at pati mga itlog ng manok ay galing sa kanyang mga alaga na pawang organic lahat.

Tila napabayaan na nga lang ni Goma ang kanyang chiseled body, dahil lumaki na ang tiyan nito. Hindi gaya ng kanyang misis na si Ormoc Rep. Lucy Torres na hanggang ngayon seksi pa rin. (Rey Pumaloy)

The post Goma lumaki tiyan sa pagluluto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *