GMA Network itinanggi ang mass lay-off

Usap-usapan ngayon ang pagkaka-lay-off o pagtanggal daw sa mga empleyado ng GMA-7 dahil sa kasalukuyang pandemic.

The post GMA Network itinanggi ang mass lay-off first appeared on Abante.

gma network itinanggi ang mass lay off - GMA Network itinanggi ang mass lay-off
gma 1 - GMA Network itinanggi ang mass lay-off

rose 3 300x156 - GMA Network itinanggi ang mass lay-offUsap-usapan ngayon ang pagkaka-lay-off o pagtanggal daw sa mga empleyado ng GMA-7 dahil sa kasalukuyang pandemic.

Sa isang tweet ng obviously Kapamilya, sinabi na, “These are hardworking and talented people in the industry. I hope their management gives a displacement program for the terminated workers, similar to what ABS-CBN did to us.”

Ang siste pa, nagkaroon daw ng mass lay-off. Nagtataka ang iba bakit kailangang magtanggal gayong tuloy-tuloy pa rin naman ang operation ng GMA-7.

Kaya puwede talagang sabihin na may danger sa social media. Mabilis ang pagkalat ng balita, mabilis din ang judgment ng netizens kahit na hindi pa alam ang tunay na pangyayari.

Nagtanong kami sa ilang kakilala namin sa loob ng network. Una, wala raw katotohanan ang “mass” dahil hindi siya mass lay-off. Pangalawa, ang mga sinasabing natanggal ay hindi talaga empleyado ng network but on a contractual, per project basis.

At ‘pag ganun, kung may bagong programa, posible pa rin silang makaraket. At hindi rin siya sa buong network, but– sa News TV department lang nangyari.

Lingid sa kaalaman siguro ng marami, pwedeng sabihin na ang GMA-7 ang isa sa kumpanya ngayong may pandemic na nagpapasalamat ang mga empleyado at maging ang mga artists. Ramdam daw nila ang malasakit ng network sa kanila in-terms of their health and safety. Second, majority of their employees are only working from home. Yung iba na hindi posible sa nature ng work nila na wfh, pero dahil naka-kontrata bilang empleyado, tuloy-tuloy pa rin ang sweldo.

Kahit sa mga Kapuso star, tulad na lang ng apat na actress na nakausap namin kamakailan at mga bibida ngayong September sa GMA News & Public Affair’s na “Wish Ko Lang” na sina Glydel Mercado, Harlene Budol, Vaness del Moral at Rochelle Pangilinan, lahat sila ay nagpapasalamat sa ginagawa raw ng network sa kanila.

Ayon Kay Vaness, “I’m grateful to GMA na kahit na may pandemic, they still find ways to give us work. Before, sa online show namin na ‘Just In’ and now, unti-unti, nakakapag-taping kami, dito nga sa Wish Ko Lang but with strict safety protocol.”

Julia, Gerald parehong ‘peaceful’ ang puso

Sa naging Instagram Live ni Julia Barretto, nilinaw nito na last year pa raw, naging magkaibigan na silang muli ng dating ka-loveteam at ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

At hindi naman daw kasi nila kailangan na ipangalandakan yun.

“I think, it came as a surprise to a lot of people that we’re friends. But you know, we have been since last year. I don’t think, there we’re even a times that we’re not friends.

“He’s always been showing me support. He will always message and just check-up if we’re still good and we’re still friends. And it’s not something that we feel the need to share to everybody and say that you know, we’re really okay, we’re friends.”

Kaya raw siguro ngayon, nasa-shock ang lahat na magkaibigan daw pala sila. Pero isa raw ito sa bagay na grateful siya. Na naprotektahan naman daw nila ni Joshua ang friendship nila sa kabila ng mga nangyari.

“You know, we came out of the situation that we’re matured, wiser and that was both our goal, to be wiser and matured. And watching him from afar, I think, he has matured and we both have.

“It’s just great, it’s peaceful,” sey pa niya.

Anyway, sa virtual presscon ng A Soldier’s Heart, na kung saan ay tinanong ang kundisyon ng puso ni Gerald, ‘at peace’ ang naging sagot niya, ha!

Aba, parehong ginamit ng dalawa ang salitang ‘peace’, na nagkataon lang naman siguro.

Walang ipinalit: Show ni Tetay pinatay na

Nanghihinayang kami na hindi natuloy ang “Love Life with Kris” na comeback na sana ni Kris Aquino sa telebisyon. Kung tama talaga ang dahilan, ang pagiging “Aquino” pa rin niya ang naging rason kung bakit hindi siya nagawang sugalan ng network or ng mga tao behind TV5.

Sayang dahil pagdating sa talk show, iba pa rin talaga ang husay ni Kris. Dito na lang, sa iba, it will take three host pa to mount a talk show, pero si Kris, kayang-kaya niyang maging interesting ang programa na mag-isa.

Pero totoo nga kaya ang chika sa amin ng aming source. Nagtanong kasi kasi kung sino ang papalit kay Kris or sino ang mga pinagpipilian.

Sey ng source namin, “Don’t quote me. Hanash na lang ni Kris ‘yan. Wala na ring show na ipinalit.”

The post GMA Network itinanggi ang mass lay-off first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *