Gloria matapang pa rin sa hubaran

Kahit may edad na at marami na ang nabago sa kanyang itsura, walang pake na naghubad muli si Gloria Diaz sa harap ng mga fan.

The post Gloria matapang pa rin sa hubaran first appeared on Abante.

gloria matapang pa rin sa hubaran - Gloria matapang pa rin sa hubaran
Gloria Diaz - Gloria matapang pa rin sa hubaran

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Gloria matapang pa rin sa hubaranKahit may edad na at marami na ang nabago sa kanyang itsura, walang pake na naghubad muli si Gloria Diaz sa harap ng mga fan.

Hindi alintana ng unang Miss Universe ng Pilipinas na posibleng mapintasan siya nang ibalandra niya ang mga video na naka-bathing suit siya.

Ipinapakita sa video ang pagpasok ni Gloria sa sauna sa San Benito Farm. Parang batang nagpalipat-lipat ng sauna ang veteran actress para ipakita ang kasiyahan niya. Walang tapis sa katawan si Gloria.

Pero, kahit naglaho na ang pigurang kinabaliwan, hinahangaan sa kanya noong 70’s, pinuri pa rin ng mga netizen ang ganda at aura ni Gloria.

Wala na marahil sa mga artistang kaedad niya ang may kumpiyansang gaya ng kay Gloria na nagpaseksi sa socmed.

***

Locsin, Parlade meeting ‘di bet ng showbiz

Iilan lang mga kasamahan sa showbiz ang natuwa at sumaludo kay Angel Locsin sa meeting nito kay Southern Command Chief Lt. General Antonio Parlade, Jr. Kasama na riyan sina sina Karen Davila, Amy Perez, Matteo Guidicelli, Arci Muñoz, Janno Gibbs, Jerald Napoles.

Tila hindi suportado ng ibang mga kaibigan sa showbiz ni Angel ang meeting nito kay Gen. Parlade.

Sa pinosteng larawan ni Angel sa Instagram na kasama sina Gen. Parlade, Jr., ang dyowang si Neil Arce, ang abugadong si Atty. Joji Alonzo, at ilan pa, mababasa ang mga pangalan ng mga nabanggit na star sa comment section na natuwa sila sa desisyon ni Angel na nakipag-usap kay Gen. Parlade.

Pero kung noon ay namumutakti ng mga kapwa niya artista ang mga post ni Angel, ngayon ay wala halos kasamahan niya sa grupong AktorPH ang nagkomento sa meeting niyang ‘yon.

***

Jennica walang face mask, binatikos

Sa halip na pasalamatan at purihin sa kanilang kabayanihan sa Marikina at Rizal, napupukol pa ng mga masasakit na salita si Jennica Garcia dahil lang sa larawang pinoste nito na walang face mask sa rescue operation nila.

Kaya naman nakiusap ang nanay niyang si Jean Jean Garcia na ‘wag laitin at husgahan sa maling interpretasyon mga basher sa larawan.

Ipinaliwanag ni Jennica na kakain sila ng doughnut na ibinigay sa kanila kaya wala silang face mask. At matapos daw mabasa ang suot nila ay gumamit sila ng mga bago.

Ipinagdiinan din ni Jennica na wala silang suweldo sa ginawa nila kaya magdahan-dahan sana ang mga nanlalait sa kanila.

***

Xian mapagbigay sa pamilya ni Kim

Sobrang generous si Xian Lim sa mga mahal sa buhay ni Kim Chiu. Aba, isang chargeable battery operated motor bike for kids ang regalo ng aktor sa pamangkin ni Kim na nag-birthday kamakailan.

Ipinagmalaking pinoste ni Kim ang mga larawan at video ng bata na tuwang-tuwa regalo ni Xian.

The post Gloria matapang pa rin sa hubaran first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *