Glaiza nagtampisaw agad sa Siargao

Glaiza nagtampisaw agad sa Siargao

Nakabalik na sa Pilipinas si Glaiza de Castro pagkatapos ng mahigit tatlong buwang pag-aaral sa London.

glaiza nagtampisaw agad sa siargao - Glaiza nagtampisaw agad sa Siargao
glaiza de castro 1 - Glaiza nagtampisaw agad sa Siargao

Mula London:

Nakabalik na sa Pilipinas si Glaiza de Castro pagkatapos ng mahigit tatlong buwang pag-aaral sa London.

Kung matatandaan ay nag-timeout muna si Glaiza sa paggawa ng teleserye at nag-aral ng music production sa Point Blank Music School in London, England.

Natapos din ni Glaiza ang naturang kurso at last week ay nakabalik na siya sa Pilipinas.

“Still recovering from jetlag but felt good to sing Kapalaran for the first time on television. Was so nervous and I tried to hide it. Thanks #Studio7 for the welcome (I had a very interesting interview with this performance lol),” post ni Glaiza sa Instagram.

Bukod sa pag-aaral sa London, naging malapit pa siya sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey. Kung dati ay long distance love affair sila, noong nag-aral si Glaiza sa London ay mukhang every day ay nagkakasama sila.

Isa sa natutunan ni Glaiza mula sa kanyang boyfriend ay ang dalhin siya sa Shelter Box, isang disaster relief center kunsaan puwedeng magsimula muli ang mga pamilya na naging biktima ng natural and human disaster.

“Learned a lot about #disasterrelief when we visited @shelterboxuk and so happy they now have a center in the Philippines. It was a humbling experience seeing how families from different parts of the world survived and rebuilt their lives after disaster. To know more about how you can help visit www.shelterbox.org/ or follow their social media accounts,” caption ni Glaiza sa IG.

Sa latest post ni Glaiza, nasa Baler ito at ini-enjoy ang beach na malapit sa vacation house nila. Sa tatlong buwan nga naman ni Glaiza sa London, na-miss nitong magtampisaw sa dagat at mag-surfing. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *