Glaiza nag-feeling sikat sa London?

Hindi pala alam ng mga naging classmates ni Glaiza de Castro sa music school in London (kunsaan siya nag-aral ng music production) na isa pala siyang celebrity sa Pilipinas.

glaiza nag feeling sikat sa london - Glaiza nag-feeling sikat sa London?
glaiza 5 - Glaiza nag-feeling sikat sa London?

Hindi pala alam ng mga naging classmates ni Glaiza de Castro sa music school in London (kunsaan siya nag-aral ng music production) na isa pala siyang celebrity sa Pilipinas.

Hindi naman daw sinabi ni Glaiza na actress at singer siya sa Pilipinas dahil nasa London siya bilang isang ordinaryong student lamang.

Nalaman daw na isa siyang celebrity nang ma-post sa YouTube ang isang music session ng class nila at nag-comment ang mga fan ni Glaiza.

“Doon lang nila nalaman na celebrity pala ako. Natuwa naman sila kasi three months kaming magkakasama sa school at clueless sila na may celebrity classmate pala sila.

“I was there naman to study and be student. Hindi ko talaga pinangalandakan na artista ako,” ngiti pa ni Glaiza.

Balik-acting nga si Glaiza at napapanood siya sa “Beautiful Justice”. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *