Glaiza ikinasal sa dyowang afam sa Amsterdam?

Ganyan nga ang mababasa mo sa Instagram post ni Glaiza de Castro, na nasa Europe ngayon, at kasama ang sabi-sabing boyfriend niya na isang foreigner.

glaiza ikinasal sa dyowang afam sa amsterdam - Glaiza ikinasal sa dyowang afam sa Amsterdam?
glyza - Glaiza ikinasal sa dyowang afam sa Amsterdam?

Dondon Sermino Paistaran 11 336x224 - Glaiza ikinasal sa dyowang afam sa Amsterdam?Sana all! Sana oil!

Ganyan nga ang mababasa mo sa Instagram post ni Glaiza de Castro, na nasa Europe ngayon, at kasama ang sabi-sabing boyfriend niya na isang foreigner.

Eh kasi naman, saksakan ng guwapo, kaya reaksyon ng mga fan, at mga kapwa niya artista, super jackpot talaga si Glaiza, na nagbunga ang paghihintay niya na magka-boyfriend, dahil mistulang Hollywood actor nga ang dyowa niya ngayon.

Eh, nakakaintriga nga rin ang caption niya sa IG post niya na, “Caption will be written on the card.”

Ang feeling ng mga fan, anong klaseng card daw kaya ‘yon, na wedding invitations na raw ba?

its_rocel_bish, “What kind of card po? Wedding invitation card po ba?” tanong ng fan niya.

Well, puwede kayang mangyari ‘yon, na biglang magpakasal din si Glaiza sa dyowa niya? Sa Amsterdam nga ang pinagdududahan nila na posibleng pagdausan ng kasal.

Kaya ang mga friend ni Glaiza na tulad ni Angelica Panganiban, super react lang na, “O siya! Baka naman tapos na ang misyon mo riyan, umuwi ka na.”

“What a classic couple shot!” naman ang komento ni Direk Quark Henares.

Napa-‘nako naman’ si Isabel Oli, at ‘Ganern’ si Chynna Ortaleza.

Of course, lahat naman ay masaya sa sitwasyon ngayon ni Glaiza. Hello, sa tinagal-tagal niya sa showbiz, hindi man lang siya nabalita na nagkadyowa.

At ngayong may dyowa na siya, na isang super guwapong afam, dapat lang na ibalandra, at ipang-inggit niya ito, noh!

Coco, Yassi magpapakilig sa Naga

Naglaan ng oras ang mga bituin mula sa hit seryeng “The General’s Daughter” para makipag-bonding kasama ang mga Kapamilya sa General Santos sa taunang Tuna Festival ng siyudad.

Nagpatili sa mahigit 2,000 Kapamilya sa KCC Mall Events Center ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, habang naghatid naman ng saya ang guwapong tandem nina Arjo Atayde at JC De Vera sa kanilang inihandog na harana.

Umapaw din ang kilig sa GenSan dahil sa nakakaakit na performance ni Kapamilya heartthrob Paulo Avelino. Kahit hindi nakadalo sa Kapamilya Karavan ang bida ng “The General’s Daughter” na si Angel Locsin dahil sa isang karamdaman, nagalak pa rin ang mga Kapamilya sa GenSan dahil tumawag ang aktres sa kasagsagan ng programa at nangakong bibisita sa Tuna Capital ng bansa.

Bukod dito, naaliw din ang mga Kapamilya dahil sa mga inihandang palaro at naging masigla rin ang selebrasyon dahil sa bibong hosts ng ABS-CBN “Magandang Umaga South Central Mindanao” na sina Dyll at Joey C, at ang MOR DJs na sina Justine at Betina.

Samantala, napanood naman ang pinakamalalaking kaganapan sa Peñafrancia Festival sa telebisyon sa ABS-CBN Naga, kabilang ang Regional Military Parade noong nakaraang Biyernes (Setyembre 20). Natunghayan din ng mga Kapamilya ang Fluvial Procession via livestream sa Choose Philippines YouTube channel noong Sabado (Setyembre 21).

Hindi naman nagtatapos ang paghahatid ng saya at pag-ibig dahil biyaheng Naga City ang Kapamilya Karavan para sa Peñafrancia Festival kasama ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Abangan sina Coco Martin, Yassi Pressman, Basilyo, Smuglazz, PJ Endrinal, at Empoy sa Setyembre 28, 4 pm sa SM Naga City open parking area, o kaya ay panoorin ang programa sa livestreaming sa Choose Philippines YouTube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *