Gladys ‘sinampal’ ang mga sikat na vlogger

Game na game na nakipagkulitan ang cast ng “Madrasta” sa sikat na YouTube vloggers na ‘Brusko Brothers’ nang minsan silang bumisita sa taping ng upcoming GMA Afternoon Prime series.

gladys sinampal ang mga sikat na vlogger - Gladys ‘sinampal’ ang mga sikat na vlogger
gladys 1 - Gladys ‘sinampal’ ang mga sikat na vlogger

Joe Barrameda Talbog 2 336x224 - Gladys ‘sinampal’ ang mga sikat na vloggerGame na game na nakipagkulitan ang cast ng “Madrasta” sa sikat na YouTube vloggers na ‘Brusko Brothers’ nang minsan silang bumisita sa taping ng upcoming GMA Afternoon Prime series.

Nagpaulan ng energy at good vibes ang viral vloggers na nagsilbing mga abay sa kasalang kinuhanan nang araw na iyon. Sa kanilang vlog, napasubo sa aktingan at sampalan ang Brusko Brothers nang pabiro silang makipag-eksena sa beteranang aktres na si Gladys Reyes na gaganap bilang si Dra. Elizabeth, ang ina ni Juancho Trivino sa show. Samantala, sa sayawan at kantahan naman napasabak sina Arra San Agustin bilang Audrey at Phytos Ramirez bilang David.

Sa huli, isang fun question and answer game naman ang nilaro nina Arra at Juancho na damang-dama ang closeness at chemistry sa teleserye.

Jeric napasabak sa tuhugan

Finally ay nag-umpisa na ng taping ang “Magkaagaw” na pinagbibidahan nina Jeric Gonzales, Klea Pineda, Sheryl Cruz, Sunshine Dizon at Alfred Vargas.

Sa mga unang araw pa lang ng taping ay mabibigat na eksena na agad ang mga kikunan since guest role lang si Alfred at kailangang gawin agad dahil may session na ang Kongreso. Kaya napasabak agad si Jeric sa heavy drama. Napasabay pa ang taping niya sa “Magpakailanman” kung saan heavy rin ang eksena nila ni Mark Herras bilang magkapatid.

Kaya may mga pagkakataon na diretso at tuhog ang taping ni Jeric sa “Magkaagaw” at “Magpakailanman”, na wala siyang tulog. ‘Yan ang malaking challenge bilang isang leading man ng dalawang programa at sabay kinukunan.

Gayunpaman ay walang reklamo si Jeric being a professional actor. Lalo na ngayon na endorser na rin siya ng Bench.

Kim Domingo pinalakpakan nang ‘mamatay’ ang dyowa

Isa si Kim Domingo sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, at sariwang-sariwa talaga, pero patuloy niyang pinatutunayan na hindi lamang sa ganda siya may ibubuga kundi pati na rin sa pag-arte. Unang hinangaan sa longest-running comedy show na “Bubble Gang”, sa iyakan naman ngayon ipinapamalas ni Kim ang kanyang pagiging versatile actress.

Marami nga ang naantig at nadala sa eksena niya sa “Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko” kung saan namatay ang kanyang nobyo na si Ben (Rodjun Cruz) at ganoon na lang ang paghagulgol ng dalaga. Sabi pa ng YouTube user na si Dolly, “Sana bigyan na din si Kim ng sariling serye in the future, she deserves it dahil gumagaling siya sa pag arte.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *