Gladys ‘di bagay maging mabait

Inabutan namin si Gladys Reyes na papaalis na sa set ng “Madrasta” sa May Valley Golf kung saan may malaking piging na kukunan. For a change ay mabait ang role ni Gladys dito bilang ina ni Juancho Trivino. Natutuwa naman daw siya at kakaiba ang role niya bilang isang mabait na ina. Pero parang mas sanay talaga ang mga tao na makita siyang kontrabida.

gladys di bagay maging mabait - Gladys ‘di bagay maging mabait
gladys - Gladys ‘di bagay maging mabait

Joe Barrameda Talbog 1 336x224 - Gladys ‘di bagay maging mabaitInabutan namin si Gladys Reyes na papaalis na sa set ng “Madrasta” sa May Valley Golf kung saan may malaking piging na kukunan. For a change ay mabait ang role ni Gladys dito bilang ina ni Juancho Trivino. Natutuwa naman daw siya at kakaiba ang role niya bilang isang mabait na ina. Pero parang mas sanay talaga ang mga tao na makita siyang kontrabida.

Hindi nagsasawa si Gladys umarte at ito na raw ang buhay niya. Nagsimula siya mula sa pagiging Little Miss Philippines sa “Eat Bulaga” na nasa 40 taon na. Kaya marami na siyang pinagdaanan at may apat silang anak ni Christopher Roxas.

Si Christopher ang namamahala ng kanilang restaurant sa may Sta. Lucia na malapit lang sa tinitirahan nila. Bale sarili na nila ang restaurant o walang kasosyo.

Parang wala raw sa mga anak niya ang susunod sa mga yapak nila at ang panganay niya na 14 years old ay sa music daw nahuhumaling.

Phytos Ramirez palaban sa paghuhubo

Nakausap din namin sa set si Phytos Ramirez sa “Madrasta” taping. Akala namin ay nasa “Descendant of the Suns” siya. January pa raw ay umaasa siya na masasama siya sa show na ‘yon. Nagpagupit na nga raw siya at nag-training ng sarili para handa na siyang sumabak sa military.

Kinausap daw siya ng mga boss ng GMA at mas kailangan daw siya sa “Madrasta”. Naintindihan daw naman niya after ilang buwan siyang walang regular project.

Anyway, habang wala siyang pinagkakaabalahan ay tumulong daw siya sa hardware business ng kanyang family sa Marikina.

Kung si Juancho ay kontra sa mga butt exposure at mga naka-brief lang ay open na open si Phytos sa mga ganitong role. Wala raw naman problema sa kanya basta kailangan sa script or ayon sa story ng pelikula.

Maganda naman ang katawan ni Phytos at puwedeng-puwede siyang paglawayan ng mga babae at beki.

Arra pinagselosan ni Gabbi

Matagal na palang kakilala ni Arra San Agustin si Juancho Trivino. Hindi pa raw sila artista ay magkakilala na sila through a common friend. Tumawa at hindi makasagot si Arra nang matanong kung niligawan siya ni Juancho. Okay na okay raw sila ni Juancho bilang magkaibigan. Isang basketball player ang karelasyon ngayon ni Arra. Ex din ni Ruru Madrid si Arra, na pinagselosan ni Gabbi Garcia noon.

Sobra rin ang galak o tuwa ni Arra na napagkatiwala sa kanya ng GMA ang lead role sa “Madrasta”. ‘Di ba, sa “My Special Tatay” ay dapat lead actress siya ni Ken Chan? Pero nauwi kay Rita Daniela ang role.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *