‘Ghosting’ nabuhay: Bea, Gerald ‘nag-asaran’ sa IG

Kasabay ng pagdiriwang ng Halloween, sabi na nga ba at mabuhuhay muli ang isyu ng “ghosting.” Hindi dahil sa napapanahon naman talaga sila tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay, pero, dahil sa mga artistang associated talaga ang salitang ghosting.

The post ‘Ghosting’ nabuhay: Bea, Gerald ‘nag-asaran’ sa IG first appeared on Abante.

ghosting nabuhay bea gerald nag asaran sa ig - ‘Ghosting’ nabuhay: Bea, Gerald ‘nag-asaran’ sa IG
bea at gerald - ‘Ghosting’ nabuhay: Bea, Gerald ‘nag-asaran’ sa IG

Kasabay ng pagdiriwang ng Halloween, sabi na nga ba at mabuhuhay muli ang isyu ng “ghosting.” Hindi dahil sa napapanahon naman talaga sila tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay, pero, dahil sa mga artistang associated talaga ang salitang ghosting.

Tamang hinala kami nang mag-post si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na nag-iimbita na panoorin ang kanyang episode sa kanyang YouTube channel. Eh, ang caption niya, “Napapanahon na na naman sila!” Then, picture ng mga ghost.

O, eh ‘di may mga nag-comment na nga na natatawa sa caption niya at ‘yung iba, sinabi talagang “May naaalala ako!” “Expert ka kase daw Hahaha!” “Exciting! You keep nailing it B!” “Ahaha! Ang caption! Napapanahon na naman sila!”

Itong ex-boyfriend naman ni Bea na si Gerald Anderson, mukhang hawa-hawa na rin sa rumored present girlfriend na si Julia Barretto na tila pumapatol na rin o sumasagot na rin sa mga “indirect” posting.

Either intentional o hindi ang pagpu-post naman niya ng kanyang Halloween entry na ghost naman na nasa labas ng isang mala-haunted house na bahay. At may caption na, “Nothing to see here… Just me chilling in front of my cabin.”

Tuloy, tinatawag si Gerald na, “Ghosting King” sa comment sa kanya.

“Proud Ghoster.”

May nag-comment naman na dapat daw, sinabitan ni Gerald ng ampalaya (meaning bitter pa rin) at iba pang comments na obviously, kung titingnan, silang dalawa rin naman ni Bea sa mga postings nila ang bumuhay muli ng isyu.

Naging kapansin-pansin naman sa netizens ang pinost ni Gerald na picture. May nag-comment na ilang beses na raw na gumagamit ito ng picture galing sa na-Google. Pinaalalahanan tuloy ang actor na hindi masamang magbigay raw ng proper credit sa picture na ginamit.

Sey sa comment, “Is this your own photo? If not, giving proper credits wouldn’t hurt.” (Rose Garcia)

The post ‘Ghosting’ nabuhay: Bea, Gerald ‘nag-asaran’ sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *