Gerald sinisi ni Kris sa awayang Bea-Julia

May mga taong gustong idamay sina Erich Gonzalez at Kris Aquino sa problema nina Bea Alonzo, Ge­rald Anderson at Julia Barretto. Magkasama ngayon sina Kris at Erich na nagbabakasyon sa Japan, at maya’t maya nga silang nagpo-post ng mga photo, video nila sa kanilang mga social media account.

gerald sinisi ni kris sa awayang bea julia - Gerald sinisi ni Kris sa awayang Bea-Julia
Abante tnt gerald - Gerald sinisi ni Kris sa awayang Bea-Julia

‘Don’t pit them against each other’

May mga taong gustong idamay sina Erich Gonzalez at Kris Aquino sa problema nina Bea Alonzo, Ge­rald Anderson at Julia Barretto. Magkasama ngayon sina Kris at Erich na nagbabakasyon sa Japan, at maya’t maya nga silang nagpo-post ng mga photo, video nila sa kanilang mga social media account.

Si Kris ay nagparamdam ng suporta kay Bea nu’ng unang nag-post ang aktres ng ‘black background’ sa kanyang Instagram.

Si Erich naman ay matalik na kaibigan ni Julia.

At heto nga ang chika ni @erikkp11:
“Kris, ask naman Erich about the Julia-Bea feud. She’s BFF with Julia (snake emoji) and friends with Gerald (ebak emoji).”
At siyempre, sinagot ito ni Kris. At ngayon pa lang, ramdam na ni Kris na aawayin siya ng mga fan ni Gerald.

“@erikkp11 puwedeng wag nega? And ang hindi natin buhay wag na natin guluhin especially Erich na hindi directly involved?

“Obviously alam natin mahal ko si Bea but di ba, unfair to judge Julia because why do we always blame the girl?

“I can already feel the Ge­rald fans will blast me for this, but I have always told Bimb, hindi mahirap maki-break. Res­pect someone you cared about enough to give them closure. Then move on. Ganun lang ka-simple ‘yun.

“Masakit ang goodbye pero mas masakit ang hindi worth a goodbye. So please respect women???” sabi ni Kris.

Hindi nga type ni Kris na ang mga babae ang pinagsasabong sa kasalanan ng isang lalaki.

“And don’t pit them against each other. Even those with no issues. (crown emoji)” sagot ni Kris.
Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *