Gerald sinapawan nina Yves, Jerome

Kahit limitadong audience lang ang nakakasubaybay ngayon sa mga teleserye ng Kapamilya network gaya ng A Soldier’s Heart, winner pa rin talaga ang aktingan ng mga cast nito.

The post Gerald sinapawan nina Yves, Jerome first appeared on Abante.

gerald sinapawan nina yves jerome - Gerald sinapawan nina Yves, Jerome
jerome gerald and yves - Gerald sinapawan nina Yves, Jerome

Kahit limitadong audience lang ang nakakasubaybay ngayon sa mga teleserye ng Kapamilya network gaya ng A Soldier’s Heart, winner pa rin talaga ang aktingan ng mga cast nito.

Given na ang galing ng mga veteran actor, pero hindi namin inaasahang matatalbugan (sorry Gerald Anderson fans) ng mga gaya nina Yves Flores at Jerome Ponce ang mga senior star nila.

At ang nakakaloka pa, tila naagaw na ang kuwento ng mga sundalo at giyera ng usaping “boys love” sa pagitan ng mga karakter nina Yves at Jerome na para bang may experience na sa mga ganung labanan hahaha! They both appear natural at maganda ang kemistri nila. Kapwa nakakadala ang mga titigan at tinginan, nila hahahaha!

Sa naturang serye rin natin mapapatunayan na mas magaling na aktor si Vin Abrenica kumpara sa kuya niya. Si Elmo Magalona naman ay pilit na pilit ang arte, at may moment namang napapanganga si Nash Aguas sa mga kaeksena niya, either dalang-dala siya o mannerism talaga niya yun.

Pero sana naman bago man lang magtapos ang serye ay makabawi ang mga karakter nina Carlo Aquino, Sid Lucero at Irma Adlawan na mas nagmumukhang legit ang drama kapag lumalabas ang mga karakter nila. (Ambet Nabus)

The post Gerald sinapawan nina Yves, Jerome first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *