Gerald, Sid madrama ang paghaharap

Halaga ng pamilya at pagkakaisa ang mangingibabaw sa huling paghaharap ng magkalabang magkapatid sa huling linggo ng “A Soldier’s Heart.”

The post Gerald, Sid madrama ang paghaharap first appeared on Abante.

gerald sid madrama ang paghaharap - Gerald, Sid madrama ang paghaharap
abante sid - Gerald, Sid madrama ang paghaharap

Halaga ng pamilya at pagkakaisa ang mangingibabaw sa huling paghaharap ng magkalabang magkapatid sa huling linggo ng “A Soldier’s Heart.”

Sinubok man ng trahedya at hindi pagkakaunawaan, nagkasundo na ang magkapatid na Alex (Gerald Anderson) at Elmer (Vin Abrenica) para bigyang katarungan ang namatay na amang si Dante (Rommel Padilla).

Kasama ang kanilang kagrupo na sina Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Benjie (Yves Flores), Phil (Jerome Ponce), Jethro (Elmo Magalona), at Lourd (Sue Ramirez), lulusubin ng magkapatid ang kampo ni Saal (Sid Lucero).

Ngunit pagdating sa kampo ng kalaban, mangingibabaw pa rin kay Alex ang ninanais nitong pagkakaisa at kukumbinsihin ang kapatid na si Saal na hindi patayan ang solusyon para makamit ang kalayaang inaasam.

Sa kanilang huling paghaharap, ibaba kaya ni Saal ang armas o tuluyang isa sa kanila ang kailangang mag-alay ng buhay?

Bonggang aktingan nga ang masasaksihan ngayong gabi kina Sid at Gerald, ha! Madrama nga ang paghaharap ng dalawa.

Napapanood ang “A Soldier’s Heart,” gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 PM at iWantTFC. I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com. (Dondon Sermino)

The post Gerald, Sid madrama ang paghaharap first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *