Gerald sanay nang ma-boo

Hindi maganda ang experience ni Gerald Anderson nang makita siyang nanonood ng basketball game ng UP versus Ateneo sa UAAP Season 82.

gerald sanay nang ma boo - Gerald sanay nang ma-boo
gerals - Gerald sanay nang ma-boo

Hindi maganda ang experience ni Gerald Anderson nang makita siyang nanonood ng basketball game ng UP versus Ateneo sa UAAP Season 82.

Noong i-focus ang kamera kay Gerald, nakatanggap siya ng maraming “boo” mula sa mga nanood sa venue.

Pinag-usapan nga sa Twitter ang nangyaring ito kay Gerald dahil tila hindi pa nakaka-move on ang marami sa ginawa niyang ghosting kay Bea Alonzo.

Ang nakakalokah pa raw ay ang pag-chant ng UP crowd ng “BEA” habang nakatutok ang kamera kay Gerald.

Heto ang reaction ng ilang netizens:

“The UP crowd booing Gerald Anderson and chanting ‘BEA’ is the real highlight of the game.”

“Shuta nung pinakita si Gerald Anderson nag-boo mga tao ejsjsnsndks magkalaban up vs ateneo pero nagkaisa sa pag boo kay gerald eh.”

“Ackk. Gerald Anderson is a legend, imagine he just showed his face and everyone chant ‘Boo’ Like wow.”

“I live for the boos Gerald Anderson received during the up, ateneo game.”

May ibang netizens naman ang nagtanggol kay Gerald dahil hindi naman daw nito deserve ang pag-boo sa kanya on national television.

“Why boo Gerald Anderson? Yes. He cheated but he never deserves to be booed in public and in a National TV program.”

Well, mukhang sanay na rin namang ma-boo si Gerald, kaya dedma na lang siya. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *