Gerald, Julia posibleng mawalan ng mga endorsement

Dehado ang sitwasyon ni John Lloyd Cruz sa umano’y paghingi ni Ellen Adarna ng TPO o Temporary Protection Order ni Ellen Adarna.

gerald julia posibleng mawalan ng mga endorsement - Gerald, Julia posibleng mawalan ng mga endorsement
ABANTE Jul gerald - Gerald, Julia posibleng mawalan ng mga endorsement

abante i know better jun nardo 336x224 - Gerald, Julia posibleng mawalan ng mga endorsementDehado ang sitwasyon ni John Lloyd Cruz sa umano’y paghingi ni Ellen Adarna ng TPO o Temporary Protection Order ni Ellen Adarna.

Eh baluwarte ni Ellen ang Cebu dahil kilala at may kaya ang angkan nila sa probinsya kaya malaki ang tsansang pagbigyan ng korte ng petisyon niya. Ito nga ay kung totoo ang balitang ito, ha!

Sabi nga kasi, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa a­lthough wala pang kumpirmasyong nagmumula sa kanila. Eh wala rin namang direktang kumpirmasyon nang magkarelasyon sila at magkaroon ng anak, kaya pawang tsismis lang lahat ng balita kina JLC at Ellen.

Naku, ganyan naman ang mga artista ngayon. Gagawa ng milagro at kapag nasusukol eh, ayaw magsalita, huh! Pahuhupain muna ang isyu at saka magsasalita kung kelan hindi na interesado ang publiko.

Sa totoo lang, kontrobersiyang Bea-Gerald-Julia laban sa kontrobersiyang John Lloyd at Ellen, ‘di hamak na mas interesado ang mga tao sa una.

Aba, nitong nakaraang mga araw, patola ang ilang prominenteng tao sa gobyerno tulad ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na ang tanong kina Bea at Julia via Twitter, “Dear Bea and Julia, is he worth it? #JustAs-king.”

Reaksyon naman ni Karen Davila sa tweet ni Justice Leonen, “Even a Supreme Court Justice is baffled.”

Naku, oras na para makialam ang Star Magic sa kontrobersiya dahil baka maapektuhan ang mga endorsement ng mga artistang sangkot sa gulo, lalo na sina Julia at Gerald, ha! Lalo na kung seseryosohin talaga ng mga fan ang banta nila na hindi nila susuportahan o ibu-boykot nila sina Julia at Gerald, ha! Or else, mawawalan sila ng komisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *