Gerald gusto nang harapin, kausapin si Bea?

Naghahanda na si Bea Alonzo para sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN kasama sina Rafael Rosell at Richard Gutierrez.

gerald gusto nang harapin kausapin si bea - Gerald gusto nang harapin, kausapin si Bea?
ABANTE Bea Alonzo - Gerald gusto nang harapin, kausapin si Bea?

Dondon Sermino Paistaran 6 336x224 - Gerald gusto nang harapin, kausapin si Bea?Naghahanda na si Bea Alonzo para sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN kasama sina Rafael Rosell at Richard Gutierrez.

Matatandaan na sa story conference nito unang nagsalita si Bea sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson. Sa lumabas na mga video, sa hometown pa ni Gerald sa General Santos ang location ng kanyang serye.

Ngunit ang mas kapansin-pansin sa video ay ang short hair ni Bea na ala pixie cut. Ang tanong tuloy ng marami, nagpagupit ba siya para maka-move on na sa nangyari sa kanila ni Gerald?

Nang suriin pa lalo ang posted photo ng mga fan sa Instagram, makikitang wig lang ang suot ni Bea. Pero in fairness kasi, bagay naman sa kanya. Maganda rin ang new look niya para fresh ang dating sa kanyang bagong serye.

Bukod sa serye, nakatakda ring gumawa ng pelikula si Bea kasama rin sina Richard at Angelica Panganiban.

Tuloy-tuloy rin talaga ang blessing na dumarating kay Bea dahil pati ang kanilang pelikula ni Charo Santos na “Eerie” ay hit sa Netflix at maraming magagandang reviews.

At ang bongga dahil ang mga ini-endorse nga raw ni Bea na mga produkto ay dumoble ang benta, ha! Winner talaga, ‘di ba?

Pero teka lang, how true na nagpaparamdam daw ulit si Gerald kay Bea? Totoo ba na gusto na ngang kausapin ng aktor ang mahusay na aktres?

Nag-aalala tuloy ang mga fan ni Bea, na baka raw mabola siyang muli ni Gerald! Ay ano ba ‘yan?

Maris, Iñigo never pa naglaplapan

Bumisita sa “Gandang Gabi Vice” sina Maris Racal at Iñigo Pascual, at kitang-kita naman na friends na sila kahit pa dati ay nasabi na ng dalaga na na-heartbroken siya sa anak ni Piolo Pascual.

Napag-usapan din ang maiinit na mga photo nina Maris at Iñigo sa social media, kaya si Vice Ganda, hindi napigilang itanong kung handa na ba sila sa roles na may kissing scene.

“Feeling ko hindi ko pa po kaya kasi … hindi ko pa rin po nata-try but… Depende sa istorya po, pero kung parang pinagtitripan lang… hindi,” sabi ni Maris.

Agree naman si Iñigo, “Kung kakailanganin siyempre sa pelikula at character.”

Pero siyempre, alam nating mainit lagi ang usapan sa “GGV” kaya si Vice, ginulat ang dalawa sa tanong niyang “Did you kiss?” Eh, parang nagulat ang dalawa at hindi nakapagsalita.

“Hindi, hindi po Ate Vice…” sagot ni Maris na parang nabubulunan, habang si Iñigo naman ay umiiling at hindi rin alam kung ano ang isasagot.

Naawa naman si Vice at tumigil na lang sa pag-intriga. “Sige na nga, ‘yung tingin mo sa akin parang sinasabi mo na Ate Vice stop,” sabi ni Vice kay Maris.

Oh well, at least friends pa rin sina Maris at Iñigo matapos ang pinagdaanan nila. Maliit lang ang showbiz at bata pa sila, for sure magkakatrabaho rin sila ulit pagdating ng panahon.

Sa ngayon, busy sila sa promo ng pelikulang “I’m Ellenya L” na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Janno ‘di totoong banned sa ABS-CBN

Napanood nitong Linggo (Sept. 8) sa “Banana Sundae” si Janno Gibbs kasama ang kanyang mga co-star na sina Andrew E. at Dennis Padilla para i-promote ang pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.”

Suot-suot pa ng tatlong lead star ang t-shirt ng kanilang movie habang nakikipagbolahan kasama ang mga star ng Sunday gag show.

Taliwas ito sa mga balita na hindi puwedeng mag-promote si Janno sa bakuran ng ABS-CBN.

Kamakailan kasi ay nag-post si Janno ng picture nina Andrew E. at Dennis na may caption ng pasasalamat sa network sa pagpapa-guest nito sa dalawa.

Maraming nagkomento sa nasabing post at tinanong ang singer kung bakit hindi siya kasama. Sinagot niya ang dalawa sa ito na hindi naman siya naimbitahan.

Ngunit kung titignan ang show kung saan nakita sina Andrew E. at Dennis, parang hindi naman talaga rin puwede silang tatlo magsabay-sabay mag-promote tulad na lang sa “Minute to Win It” na dalawang players lang ang puwede.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *