Gerald durog sa mga fan ni Bea

Gusto namin ang atake ni Bea Alonzo sa pinagdaraanan niya ngayon. Gulat man siya sa narinig na diumano’y sinabi ni Gerald Anderson na matagal na silang break kaya’t nakikipagmabutihan na ito kay Julia Barretto, pinanindigan ng maganda at mahusay na aktres na never silang nag-break ni Gerald.

The post Gerald durog sa mga fan ni Bea appeared first on Abante News Online.

gerald durog sa mga fan ni bea - Gerald durog sa mga fan ni Bea
ABANTE bea 4 - Gerald durog sa mga fan ni Bea

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Gerald durog sa mga fan ni BeaGusto namin ang atake ni Bea Alonzo sa pinagdaraanan niya ngayon. Gulat man siya sa narinig na diumano’y sinabi ni Gerald Anderson na matagal na silang break kaya’t nakikipagmabutihan na ito kay Julia Barretto, pinanindigan ng maganda at mahusay na aktres na never silang nag-break ni Gerald.

“He just stopped talking to me,” ani nito sa mga kausap na kapatid sa media kung kailan humarap ito sa isang story con para sa isang project.

Sabihin man nating “it’s your word against mine” ang kinauwian ng love story nila, the fact remains na si Gerald ang nagmukhang manloloko at tinatawag na f…boi ng marami.

KIM AT JULIA PALUAN SA ARANETA

Kaya nga marami ngayon ang na-e-excite sa paparating­ na All-Stars Star Magic Women’s volleyball tourney happening on August 25 sa Araneta Coliseum.

Ang isang team kasi ay mayroong Julia Barretto as team captain, habang ang isang team ay pamumunuan ni Kim Chiu.

Kung magwa-wan-plus-wan tayo at kahit hindi natin lagyan ng isyu, mauungkat at mapag-uusapan ang Ge­rald Anderson bilang naging common factor nila.

Ang bongga dito ay pinag-uusapan na ngayon ang binubuong “cheering squad” kung saan diumano ay magsasama-sama sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, Angel Locsin at Bea Alonzo para sa team ni Kim.

Hahahahaha, imbitahan na din kaya nila sina Sarah Geronimo at Maja Salvador!

JOSHUA TUMANDA ANG ITSURA

Speaking of Maja, nagmistula itong ate para kay Joshua Garcia nang may mga kapatid sa hanapbuhay na nangumusta sa lagay ngayon ng binata.
Nagpaalala si Maja sa nagtatanong na maghinay-hinay lang at umalalay pa ito sa binata by telling him to be true.

Kaya naman ang diretsong sagot ni Joshua ay, “okey naman po ako, masaya naman po ang buhay ko sa ngayon,” patungkol nga sa estado ni Joshua na best friend na lang daw ngayon ni Julia.

Magkakasama sa soon to air na “The Killer Bride” sina Maja at Joshua, though sa kuwento, ay si Janella Salvador na sinapian ng kaluluwa ni Maja ang makakatambal ng guwapong aktor.

Hindi namin gaanong bet ang medyo mahabang buhok ng batang aktor dahil nagmukha siyang mature sa edad niya.

Tuloy, lumalabas na matindi nga ang pinagdaraanan niya.

The post Gerald durog sa mga fan ni Bea appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *