Gazini ‘di kayang pantayan ang lava walk ni Catriona

Gazini ‘di kayang pantayan ang lava walk ni Catriona

Habang hinihintay pa kunsaan ang official venue ng Miss Universe 2019, patuloy ang training ni Miss Universe-Philippines 2019 Gazini Ganados bilang paghahanda sa naturang pageant.

gazini di kayang pantayan ang lava walk ni catriona - Gazini ‘di kayang pantayan ang lava walk ni Catriona
gazini ganados - Gazini ‘di kayang pantayan ang lava walk ni Catriona

Habang hinihintay pa kunsaan ang official venue ng Miss Universe 2019, patuloy ang training ni Miss Universe-Philippines 2019 Gazini Ganados bilang paghahanda sa naturang pageant.

Hinahanapan na ngayon ng pageant fans si Gazini kung meron na ba itong signature walk? Dapat daw kasi ay mapantayan niya ang naging viral at memorable “lava walk” ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon sa beauty camp ni Gazini, meron na raw silang winu-workout na signature walk nito pero wala pa raw silang name para rito.

Ayon sa isang source: “Duplicating, even surpassing the Lava Walk is not the only challenge facing Gazini, who expects a lot of comparisons with her predecessor, Miss Universe 2018 Catriona Gray. So Gazini is learning things like fixing her own hair, coming up with her own wardrobe, cooking her own food, moving with more grace and others every day. She’s also taking up voice and dance lessons.”

Kasama rin daw ang pakikipag-consult ni Gazini sa mga past Miss Universe winners na sina Catriona at Pia Wurtzbach.

“Some people said training for the Binibini is harder than that of Miss U. The Bb. Pilipinas preparations are pretty tough. It’s just a matter of recalling it and trying to improvise. I’m almost there,” sey ni Gazini.

Kailan lang ay nakasama si Gazini sa celebration ng World Smile Day kunsaan sinamahan nila ang maraming bata para sa isang charity event ng Smile Train at Operation Smile. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *