‘Garantisabog ka dito!’ Shotgun Combo eksplosibo

“May kulit, may angst, may funk,” sambit ni Cris Genato, ang lead vocalist ng combo.

The post ‘Garantisabog ka dito!’ Shotgun Combo eksplosibo appeared first on Abante News Online.

garantisabog ka dito shotgun combo eksplosibo - ‘Garantisabog ka dito!’ Shotgun Combo eksplosibo
Abante 2019 Shotgun Combo - ‘Garantisabog ka dito!’ Shotgun Combo eksplosibo

Ni Romy Buen

“May kulit, may angst, may funk,” sambit ni Cris Genato, ang lead vocalist ng combo. Saksi ako sa kanilang performance noong mag-guest sila live sa “Kwento Mo Kay Lovely Vergie,” isang programa sa Abante online. Halos umalingawngaw ang buong opisina sa lakas ng kanilang enerhiya, parang isang malakas na shotgun na sumabog sa sound system ng Musicmatrix na pag-aari ni Wilson Urbano, dahil tumatadyak, na parang pulang kabayo.

Tinanghal silang Grand Champion sa taunang Red Horse Pambansang Musiklaban noong 2016. “Nu’ng tinawag ang pangalan namin, tumalon-talon na kaming lahat at sumigaw na kami at the top of our lungs,” sabi ni Genato. Simula noon, hindi na sila huminto sa lahat ng gigs katulad ng Pulp Summer Slam (nakasama nila ang international metal band na Megadeth), Rakrakan Festival, Pepe Smith Rock Fest, at iba pa.

Limang taon na ang combo (March 2014) na umusbong sa bayan ng Lagro, Quezon City. Nagmula sila sa iba’t ibang banda, nag-volt-in para sabayan ang eksena. Binubuo nina Cris ‘Izzy Stone’ Genato, (taga-sigaw), Brian Carlo Sta. Ana (gitaristang samurai, songwriter), Johnson Espadilla (small but terrible kabuki-inspired bassist) at ang ma-appeal sa mga millennials na si Polo Auxtero (taga-kalansing ng drums). Siya ang pinalit sa maagang pagpanaw ni Boyet Robleado (RIP).

“Lahat sila ay may sariling identity at mascara, may kanya-kanyang style,” wika ng kanilang masisipag na General Manager/Executive Producer na sina Glenn Templo Garcia at Bongskie Cervantes, at si Dee Olbes (bilang Road Manager) na nagpapakahirap para sa banda. Napaka-suwerte ng combo dahil mayroon silang producers na handang ialay ang buong oras para sa grupo.

Katulad din nina Francis Magalona, P.O.T., Red Hot Chilli Peppers, Rage Against the Machine, Primus, 311, Jamiroquai, funk/hard, hip hop at alternative rock ang kanilang inihahain sa lamesa ng mga kanilang parokyano, at ka­yang sumabay sa mga sikat na OPM rock band. Dahil mahusay, nagkaroon sila ng mara­ming masugid na followers na tinawag nilang ‘Shotgun Warriors’ na handang suportahan sa kanilang mga gigs, bumili ng CDs/MP3 at iba pang paraphernalia ng combo.

“Labahita,” “ Bastos,” “Untog Kita sa Muscle Ko,” “Bad Trip” at ang “Mahiwagang Butas” na may Bikolano word na “paralusi” na ang kahulugan ay “paraos,” ayon sa kanilang gitaristang si Brian, ang ilan sa kanilang mga kanta na mayroong sorpresa sa mga suki ng Abante sa kanyang bagong komposisyon na may pamagat na “Nasan Na Si Xerex?”

Sa kasalukuyan, abala sila sa kanilang self-produced music video, para sa “Kutis Putragis.” Gusto nilang lampasan ang “Labahita” at ang sariwa at mainit-init pang “Garantisabog EP” na available sa Spotify, YouTube at sa kanilang Facebook account.

Kung gusto mong mas makilala pa nang husto ang Shotgun Combo, mayroon silang libreng MP3 para sa lahat. Dumalaw lang sa http://fb.com/shotguncombo/ at tiyak, “garantisabog ka dito sa sarap!”

***

Wala silang kakaibang aura o special na porma nu’ng una ko ­silang makita nang personal dahil sanay na rin ako sa mga musikerong rakista – very typical na rockers na nakahamba­lang ang mga tattoo, long hair, black printed shirt at black jeans. Hindi mo sila makikilalang banda dahil napaka-simple at walang bahid ng pagkahambog sa katawan. Magbabago lang ang iyong pananaw kapag naisalang na sila sa stage, at hawakan ang kani-kanilang ‘sandata,’ dahil ibang usapan na ‘to – seryoso at hindi padadaig sa kanilang mga original composition.

The post ‘Garantisabog ka dito!’ Shotgun Combo eksplosibo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *