Ganda ni Janine pinuri ng mga sikat na modelo, personalidad sa London

Dahil sa Jo Malone event sa London, nakilala ng buong mundo si Janine Gutierrez. Sa pag-attend kasi ni Janine ng event na ‘yon sa London, ang sikat na make up artist na si @Nikki_Makeup, kilalang global make-up ambassa­dor for @beccacosmetics, beauty expert, beauty co­lumnist (@glamouruk).

The post Ganda ni Janine pinuri ng mga sikat na modelo, personalidad sa London appeared first on Abante News Online.

ganda ni janine pinuri ng mga sikat na modelo personalidad sa london - Ganda ni Janine pinuri ng mga sikat na modelo, personalidad sa London
janine 3 1 - Ganda ni Janine pinuri ng mga sikat na modelo, personalidad sa London

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Ganda ni Janine pinuri ng mga sikat na modelo, personalidad sa LondonDahil sa Jo Malone event sa London, nakilala ng buong mundo si Janine Gutierrez. Sa pag-attend kasi ni Janine ng event na ‘yon sa London, ang sikat na make up artist na si @Nikki_Makeup, kilalang global make-up ambassa­dor for @beccacosmetics, beauty expert, beauty co­lumnist (@glamouruk).

Si Nikki ay pantasyang maging make-up artist ng halos lahat ng mga artista natin sa Pilipinas, kasama na sina Megan Young, Jessy Mendiola, pati na si Miss Universe Catriona Gray.

At jackpot nga na si Nikki ang nag-make up kay Janine, ha! At makikita sa Instagram ni Nikki ang photo ni Janine. Wow, ka-level na ni Janine sina Dua Lipa, at mga sikat na modelo sa buong mundo, na dumaan sa mga kamay ni Nikki, ha!

Sabi ni nikki_makeup: “Yesterday with this gorgeous girl @janinegutierrez.”

Sagot naman ni Janine, “beauty dream come true in London with the amazing and absolute sweetest @nikki_makeup.”

Sa post na ‘yon ni Nikki, mababasa ang mga papuri sa ganda ni Janine, na mula sa mga sikat na modelo, make-up artist, blogger sa buong mundo.

Kaya ang mga Filipi­na na nagpa-follow kay Nikki, buong ningning na ipinagmalaki nga na si Janine ay isang aktres sa Pilipinas.

Well, noon pa man, agaw-pansin na ang ganda ni Janine, kaya hindi kataka-taka na kahit ang mga sikat na personalidad sa ibang bansa ay nagagan­dahan sa kanya, no!

Maymay inspirasyon ng mga Aeta

Magbibigay ng ins­pirasyon sa kababaihan si Maymay Entrata sa kanyang pagganap bilang ang Aeta beauty queen ng Mariveles, Bataan na si Judith Manap, na hindi lamang buong tapang na hinarap ang diskriminasyon, kundi tumulong pa sa kanyang sariling kababayan, nga­yong Sabado (30 Marso) sa “MMK.”

Buong buhay naranasan ng pamilya ni Judith (Maymay) ang pangungut­ya dahil lamang sa kulay ng balat nito. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon para lumahok at kumatawan sa kanyang tribo sa “Mutya ng Biaan”, natuto itong magkaroon ng lakas ng loob upang magpursige sa buhay.

Naranasan ni Judith ang pangungutya ng ibang tao dahil sa kanyang kulay.

Nang magkasakit ang ama, hindi naman nag-atubiling tumigil si Judith­ para makapagtrabaho at makaipon ng pambayad sa mga gamot ng ama.

Magbabago ang kanyang buhay nang siya naman ang maanya­yahang sumali sa “Mutya ng Biaan.” Determinadong pinasok ni Judith ang timpalak dahil alam niyang kapag siya’y manalo, hindi lamang niya matutulungan ang pamilya kundi maipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Nagwagi si Judith at tinanghal na “Mutya ng Biaan” at mataas ang naabot sa “Mutya ng Mariveles” 2019. Ginamit ni Judith ang premyong salapi upang bigyan ang kanyang kapwa-Aeta ng pagkaing hindi nila laging natitikman.

The post Ganda ni Janine pinuri ng mga sikat na modelo, personalidad sa London appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *