Ganda mo ‘teh! Anne gustong makilala, makaharap ni Park Bo Gum

Hindi nga tuloy ang Park Bo Gum’s “Good Day” Asia Tour in Manila ngayong April 27, at sa halip ay sa June 22 na ito magaganap. At ‘yon ay dahil sa mga pag­lindol.

The post Ganda mo ‘teh! Anne gustong makilala, makaharap ni Park Bo Gum appeared first on Abante News Online.

ganda mo teh anne gustong makilala makaharap ni park bo gum - Ganda mo ‘teh! Anne gustong makilala, makaharap ni Park Bo Gum
Abante Tonite 2019 Anne Curtis 1 - Ganda mo ‘teh! Anne gustong makilala, makaharap ni Park Bo Gum

Hindi nga tuloy ang Park Bo Gum’s “Good Day” Asia Tour in Manila ngayong April 27, at sa halip ay sa June 22 na ito magaganap. At ‘yon ay dahil sa mga pag­lindol.

Pero ngayon pa lang ay kinaiinggitan na si Anne Curtis, dahil siya nga ang napiling mag-host ng event na ito. Ini-announce nga niya sa kanyang Twitter ang event na ito, at kaloka na nag-reply talaga sa kanya si Park Bo Gum, ha!

@BOGUMMY: “Replying to @annecurtissmith @ovationprod
“Hi Anne! Thank you for sparing your time to emcee the ‘Good day’ in Manila event. Though we cannot meet this time, I hope we’ll meet soon again. I’ll pray for the Philippines. Take care!”

At siyempre, hindi pinalagpas ni Anne ‘yon, kaya super reply rin siya kay Park Bo Gum.

“Hello @BOGUMMY Thank you for replying. Management just told me now. I must say that it is my pleasure to be your emcee and most importantly, us, filipino fans understand why you have to postpone ‘Good Day’ and we are very thankful for your concern for our country.”

Ang mga fan, super inggit dahil imagine, ang idolo nila na pinapantasya nilang makaharap, gustong ma-meet si Anne, ha! Winner talaga.

At siyempre, super kilig din si Anne sa chikahan nila ni Park Bo Gum. (Dondon Sermino)

The post Ganda mo ‘teh! Anne gustong makilala, makaharap ni Park Bo Gum appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *