‘Game of Thrones’ nabulabog sa kape

Sadya ba or isang blooper ang naiwang Starbucks coffee cup sa isang eksena ng “Game of Thrones?” Maraming fans ng GoT ang nakapansin sa modern-day coffee cup sa isang malaking eksena ng naturang HBO series na umere noong Lunes ng gabi.

The post ‘Game of Thrones’ nabulabog sa kape appeared first on Abante News Online.

game of thrones nabulabog sa kape - ‘Game of Thrones’ nabulabog sa kape
ABANTE Daenarys Targaryen - ‘Game of Thrones’ nabulabog sa kape

By Ruel Mendoza

Sadya ba or isang blooper ang naiwang Starbucks coffee cup sa isang eksena ng “Game of Thrones?” Maraming fans ng GoT ang nakapansin sa modern-day coffee cup sa isang malaking eksena ng naturang HBO series na umere noong Lunes ng gabi.

“The latte that appeared in the episode was a mistake. Daenerys had ordered an herbal tea,” ayon pa sa press release na nilabas ng Starbucks company.

Sa ikaapat na episode ng GoT season 8 na “The Last of the Starks,” nakita sa eksena ni Daenarys Targaryen (Emilia Clarke) ang isang takeout coffee cup ng Starbucks. May ilang fans na nakapag-record ng episode at binalik-balikan ang naturang eksena at kitang-kita ang Starbucks cup na nasa lamesa na ginamit sa eksena.

Nag-trend tuloy sa Twitter ang #Starbucks.

Ayon sa GoT art director na si Hauke Richter na very uncommon na may isang item na nami-misplace sa kanilang set. Minsan daw ay hindi nila ito napapansin at nakikita na lang daw nila ito sa final cut ng episode.

The post ‘Game of Thrones’ nabulabog sa kape appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *