‘Galit’ ni Mommy Inday vs Marjorie burado na sa IG

‘Deactivated’. ‘Yan ang naging tugon ni Claudine Barretto sa nagtanong sa kanyang Instagram post ng larawan nila ng kanyang ina, kung bakit hindi makita ng mga follower niya ang statement ng huli na naglalahad ng sama ng kanyang loob dahil sa paglabas ng video na nakunan si Marjorie Barretto sa pasilyo ng ospital at nagsasalita laban sa kanilang Mommy.

galit ni mommy inday vs marjorie burado na sa ig - ‘Galit’ ni Mommy Inday vs Marjorie burado na sa IG
claudine barretto 1 - ‘Galit’ ni Mommy Inday vs Marjorie burado na sa IG

‘Deactivated’. ‘Yan ang naging tugon ni Claudine Barretto sa nagtanong sa kanyang Instagram post ng larawan nila ng kanyang ina, kung bakit hindi makita ng mga follower niya ang statement ng huli na naglalahad ng sama ng kanyang loob dahil sa paglabas ng video na nakunan si Marjorie Barretto sa pasilyo ng ospital at nagsasalita laban sa kanilang Mommy.

Nagliyab ulit ang patutsadahan ng magkapatid na Marjorie at Claudine sa IG, dahil sa video na sanhi ng galit ng huli. Tinanong ng follower ni Claudine kung alin sa dalawang account ng kanyang ina naka-post ang statement nito, dahil wala silang makita na gaya nu’ng pinost ng aktres sa kanyang account na screenshot ng post ng Mommy niya.

Dalawa ang account ni Mommy Inday sa IG. Ang isa ay @barrettoestrella na siyang pinaglabasan ng statement nito.

Sagot ni Claudine sa follower, dine-activate na raw ng kanyang ina ang IG account nito, at deleted na rin ito.

Sinagot din ni Claudine ang pagtataka ng isa sa kanyang mga follower sa pinost nitong litanya ng ina laban kay Marjorie, kung bakit magkasama pa ang Mommy nila at si Marjorie nong Linggo.

Nanood pa nga si Mommy Inday sa guesting nina Julia at Claudia Barretto sa “ASAP” nu’ng Linggo.

Nakabalandra sa IG wall ni Marjorie nu’ng Linggo ang photo nila ng ina, na nasa bahay pa niya ito.

Kausap din ni Mommy Inday si Julia sa dining table, at iba pang larawan na kuha sa sala ni Marjorie.

Kaya naguluhan ang mga follower ni Claudine sa mga kaganapan nu’ng Linggo. Tugon naman ni Claudine, “late” na nang mapanood ng kanyang ina ang video.

Samantala, tuluyan na ngang hindi sumawsaw ang anak ni Marjorie na si Julia sa pagsiklab ng away ng ina sa tiyahin niyang si Claudine.

Nanahimik din si Gretchen Barretto na may mga like lang sa mga post ni Claudine, at hindi sumasawsaw sa giyera ni Claudine kay Marjorie.

***

Tsismis kina Regine, Ariel buhay na naman

Muling nabuhay ang isyu kina Regine Velasquez at Ariel Rivera, sa pinakabagong endorsement ng Asia’s Songbird. Ibinalandra ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid ang larawan ng kanyang asawa na may hawak na Ariel detergent powder.

Si Regine ang pinaka-latest at dagdag-endorser ng laundry powder, kaya naman buong pagmamalaking ipinost ang photo ng asawa sa kanyang IG.

Sa mga comment sa post, aliw na aliw ang mga follower ng mag-asawa sa bagong project ni Regine na kasama ang Ariel. Natsismis sina Regine at Ariel noon.

Naging controversial si Regine noon nang magsalita si Gelli de Belen, na naunang naging syota ni Ariel.

Naka-hashtag pa sa caption ni Ogie ang #RegineSayYestoAriel at “ArielRegine”, kaya mas lalong naging malikot ang imahinasyon ng mga follower ng singer/composer, na hindi makapaniwalang magkakaroon ng connection ang kanilang Birit Queen sa singer-actor.

Dedma lang sina Ogie at Regine sa reaksyon ng follower, lalo at naibaon na sa lupa ang pahina ng pagiging malapit noon sa isa’t isa nina Ariel at Regine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *