Galit na galit: Ina, utol ni K Brosas tinamaan ng COVID-19

>Sinusulat ang item na ito ay wala pang update sa kapatid at ina ni K Brosas na tinamaan ng coronavirus. Tweet ni K ay nagka-COVID19 ang kanyang kapatid na nurse. At nahawa nga raw ang kanilang ina na kasama nito sa bahay.

The post Galit na galit: Ina, utol ni K Brosas tinamaan ng COVID-19 first appeared on Abante.

galit na galit ina utol ni k brosas tinamaan ng covid 19 - Galit na galit: Ina, utol ni K Brosas tinamaan ng COVID-19
K - Galit na galit: Ina, utol ni K Brosas tinamaan ng COVID-19

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Galit na galit: Ina, utol ni K Brosas tinamaan ng COVID-19Sinusulat ang item na ito ay wala pang update sa kapatid at ina ni K Brosas na tinamaan ng coronavirus. Tweet ni K ay nagka-COVID19 ang kanyang kapatid na nurse. At nahawa nga raw ang kanilang ina na kasama nito sa bahay.

Nag-init ang ulo ni K sa mga opinion, komento tungkol sa epekto ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa buong bansa. Naimbiyerna si K dahil sa pambabatikos sa mga artista ng mga basher.

“Itong gagong to puro inutil ang posts sa mga artista..2020 nag-start sa Twitter kaya alam na..nasa mood akong pumatol ngayon at dahil may covid ang kapatid ko na nasa emergency now! Mas madami pang nagawa mga artista kesa sa mga kakulto mo gago!” sabi ni K.

“May covid pa baka nakakalimutan nyo…ang Italy naging ok pero now madami uli…sister kong nurse meron na at halos buong hospital nila..dahil sa kanya nakatira mama ko nahawa din at nasa emergency room now at wala akong balita kaya wag ngayon mga kampon ng dimunyu!!” dugtong pa niya.

Hardin nina Aubrey-Troy sinira ng bagyo

Biktima rin ng bagyo sina Troy Montero at Aubrey Miles. Ipinoste ni Troy sa Instagram ang video nang pananalasa ni Ulysses sa kanilang garden.

Winasiwas ng hangin ang garden nila. Nabali ang mga halaman, nagkalat ang mga gamit sa likod bahay nila.

Pero, malaki pa rin ang pasasalamat nina Troy at Aubrey dahil nasira lang ang ilang mga halaman nila kumpara sa ibang hanggang ngayon ay lubog pa rin ang bahay sa tubig.

Paghuhubad ni Carlos nakakaumay

Nakakaumay na ang paghuhubad ni Carlos Agassi sa Instagram. Halos araw-araw na lang ay nagpo-post ito ng mga muscle niya na nakahubad.

Iisa rin ang mga anggulo nito kahit iba-iba ang lugar sa pagpu-pose nito.

Kung mapapansin ay ni hindi umabot sa 200 ang like ng mga photo niya at hindi rin umabot sa 100 ang mga comment.

Well, IG account ‘yon ni Carlos at wala tayong pakialam. Pero, ang nakakaloka lang sa aktor, kahit kasagsagan ng mga bagyo, nakahubad pa rin ito.

The post Galit na galit: Ina, utol ni K Brosas tinamaan ng COVID-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *