Galanteng aktor baon sa utang

Nakakaloka lang ang male showbiz personality na ito na maraming alam gawin sa kanyang career. Before the pandemic, marami naman siyang trabaho, pero marami ang nagtataka kung bakit palaging issue na lang sa kanya ang pagkakaroon ng maraming utang?

The post Galanteng aktor baon sa utang first appeared on Abante.

galanteng aktor baon sa utang - Galanteng aktor baon sa utang
problem - Galanteng aktor baon sa utang

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Galanteng aktor baon sa utangNakakaloka lang ang male showbiz personality na ito na maraming alam gawin sa kanyang career. Before the pandemic, marami naman siyang trabaho, pero marami ang nagtataka kung bakit palaging issue na lang sa kanya ang pagkakaroon ng maraming utang?

Kapag may blind item nga na ang clue ay aktor na maraming utang, kahit hindi naman siya ‘yung tinutukoy doon, siya ang palaging natuturo.

Dahil ba masyadong galante si aktor kaya palagi na lang issue sa kanya ang marami niyang utang?

Magarbo kasi sa buhay si male showbiz personality at kahit sa kotse ay mahilig siyang makipagsabayan sa mga kaibigan.

Tama ba na 8 million pesos ang na-advance na niya sa isang producer?

Paano kaya ang sinasabing utang niya sa dati niyang manager, na-settle na kaya niya?

Tsk… tsk… tsk…

Pero in fairness kay male showbiz personality, mabait siya, kaya sana maayos niya ang kanyang mga pagkakautang, huh!

Assunta ayaw tumanggap ng bisita

Ang pamilya nila ay based sa Martano, Italy at dalawa na lang silang magkapatid dito sa Philippines, kaya naman madalas na magkita ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi.

Kahit 8 months na nga ang ipinagbubuntis ni Assunta, dinadalaw pa rin niya si Alessandra sa bahay nito.

So, nag-drive na naman siya noong Saturday? Para ba matagtag siya kaya siya na mismo nagda-drive papunta sa bahay ng kapatid?

“Actually, in a way, pero hindi naman talaga para matagtag. Nabo-bore rin lang ako. Pero sa bahay naman, naglalakad-lakad ako.

“Nagda-drive ako para bawas contact sa tao, saka para makauwi ako ng maaga.

“Kapag ako lang kasi, kailangan makauwi ng bahay na may araw pa,” sabi ni Assunta.

Katulad din daw sila ni Alessandra. Kung sila raw kasi ay hindi tumatanggap ng bisita sa kanilang bahay, ganoon din daw ang kapatid niya.

“Ako lang ang bisitang tinatanggap ni Alex (tawag nila sa kapatid) sa bahay niya kasi alam niyang hindi akoi pumupunta sa public places. Hindi ako nagtatrabaho.

“Siyempre, takot din naman kasi siya sa COVID-19. Ayaw pa niyang tumanggap ng acting job,” sabi ni Assunta.

Alessandra todo busisi kay Piolo

Pero nakakalabas din naman daw si Alessandra ng bahay. Inaasikaso raw nito ang post production ng pelikulang idinerehe nito kasama si Piolo Pascual.

“Post production pa rin ‘yung movie nila ni Piolo. Mabusisi ang editing, kailangan na tutukan niya, kaya lumalabas siya ng bahay.

“Hindi lang naman kasi siya direktor ng pelikula nila, co-producer rin siya.

“Matrabaho ang post production. Kailangang nandoon siya para mas maging maayos ang lahat,” sabi ni Assunta.

Kung noon ay madalas siyang pumunta sa bahay ng kapatid dahil siya ang tagatikim ng mga putaheng niluluto nito, ngayon ay iba na.

“Hindi na siya masyadong nagluluto dahil maraming nagpapadala ng food sa kanya. Sine-share naman niya sa akin ang mga ‘yon.

“Ganoon si Alex. Mahilig mag-share. Hindi lang sa akin, pati sa friends niya.

“Noong dalawin ko siya last Saturday, nagkataon na puro dessert ang padala sa kanya, so napakain ako,” kuwento pa ng buntis na aktres.

So, when na siya manganganak dahil 8 months na ang pinagbubuntis niya?

“First week of November, pero baka last week of October. CS (cesarean section), kaya pinamimili nga ako ng OB-Gynecologist ko.

“Pero wala pa naman akong sinasabing date. Pero baka November nga,” impormasyon pa ni Assunta.

The post Galanteng aktor baon sa utang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *