Gago si Maris – Sue

Bulabog sa social media ang kulitan ng magkaibigang Sue Ramirez at Maris Racal. Matapos ang kanilang full energy performance sa “ASAP” nitong Linggo ay tila hindi pa rin naubusan ng energy ang dalawa at nakuha pang magsayaw sa dressing room.

gago si maris sue - Gago si Maris – Sue
ABANTE Sue Ramirez - Gago si Maris – Sue

Bulabog sa social media ang kulitan ng magkaibigang Sue Ramirez at Maris Racal. Matapos ang kanilang full energy performance sa “ASAP” nitong Linggo ay tila hindi pa rin naubusan ng energy ang dalawa at nakuha pang magsayaw sa dressing room.

Parehas nga nila itong ipinost sa kani-kanilang social media account. Marami naman ang mga fan na naka-relate sa video na nagsasayaw ang dalawa ng kanta ni Sarah Geronimo na “Tala”.

Makikita sa video na feel na feel ni Sue ang pagsayaw ng hit song ni Sarah G habang si Maris naman ay nangungulit at ayaw magpatalo sa pagsayaw.

“Yung seryoso ka at dedicated kang sumasayaw ng Tala tapos gago yung kaibigan mo,” caption ni Sue sa video nila.

“Yung partner mo si bespren sa performance pero individual grading. Balakajan,” caption naman ni Maris sa video.

Tawang-tawa talaga ang mga fan, to the point na ginaya na nila ang dalawa at gumawa ng kanilang version ng kulitan.

Hindi rin nawala ang mga netizen na nagkumpara kung sino ba ang mas angat sa pagsayaw.

Anyway, mukhang dulot ng excitement sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 ang kanilang naging hype sa dressing room dahil parehas silang bida sa magkaibang entry which is ang “I’m Ellenya L” kay Maris at “Cuddle Weather” kay Sue. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *