Gabby tumangging makipaghalik kay Kris

Matapos nga ang mahabang panahon na pagkawala sa pelikula, muling magbabalik ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa big screen para sa isang horror movie, ang “(K)Ampon”.

gabby tumangging makipaghalik kay kris - Gabby tumangging makipaghalik kay Kris
ABANTE gab kris - Gabby tumangging makipaghalik kay Kris

Matapos nga ang mahabang panahon na pagkawala sa pelikula, muling magbabalik ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa big screen para sa isang horror movie, ang “(K)Ampon”.

Kasama niya rito ang classic heartthrob actor na si Gabby Concepcion. At dahil diyan, binisita niya nga ito sa unang araw ng shooting.

Sa pagtsitsikahan nina Gabby at Kris, binanggit ng aktres na mas sinubayba­yan nito ang palabas na “Ika-6 na Utos” kung saan kabilang rin si Gabby sa cast.

“Marami ngang nakaka-relate doon, bakit kaya? Tanungin kita,” hirit na tanong naman ni Gabby.

“Hindi ako makikipag-agawan! Ako ang pinag-aagawan. Hello!” sagot naman ni Kris sa tanong ni Gabby.

“Pero naka-relate ako doon kasi naintindihan ko naman talaga na ang mga lalaki minsan may kahinaan… sa tukso,” paliwanag ni Kris.

“Parang ikaw,” pabiro pang dinagdag ni Kris.

Napatawa na lamang si Gabby sa pagbibiro ni Kris, sabay sabing marami na, aniya, siyang nagagawang role na ganu’n kaya sanay na siyang gampanan ang ganoong karakter.

Anyway, iginiit din ni Kris ang kanyang paniniwala na “It takes two to tango.”

“Puwede namang may manukso, pero it’s up to you kung tatanggi ka o hindi!” tila hugot pang dagdag ni Tetay.

Bukod pa riyan, nabanggit din ni Kris na naging close ito sa panganay na anak ni Gabby na si KC Concepcion dahil ilang beses silang nagkasama sa pagho-host.

Kapansin-pansin nga sa pag-uusap ng dalawang bida, lalo na kay Kris, na labis talaga nitong na-miss ang kanyang trabaho na pagho-host at sinabi niya nga rin iyon habang ini-interview si Gabby.

Samantala, nagbigay rin ng pahap­yaw ang dalawa tugkol sa magiging kuwento ng “(K)Ampon”.

“There are many forms of love, and there are many types of marriages, at ‘yun ang mapapanood niyo rito,” sabi pa ni Kris.

Bago naman ang lahat, humirit pa ng tanong si Kris kung maaari pa bang magkaroon ng pagkakataon na magbalik ang Sharon-Gabby sa big screen?

“Matagal na akong GO,” sagot naman ni Gabby. At mula nga sa sagot ni Gabby, nabuhayan ng loob lalo si Kris.

Anyway, going back sa “(K)Ampon”, nasabi rin ni Kris na mayroon dapat silang kissing scene ni Gabby, pero tumanggi ang aktor. Sinabi naman ng aktor na “i-double na lang” ang eksenang iyon.

Sa Oktubre inaasahang matatapos nila ang pagbuo ng natu­rang pelikula at mag-uumpisa nang magkasama silang dalawa next week sa set. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *