Gabby sinalba ang ari-arian ng mga magulang

Gaano ka-totoo ang chika na kaya hindi nagsasalita si Gabby Concepcion tungkol sa isyu ng kapatid dahil may mga pangyayari raw na hindi alam ng mga kapatid kung papaano isinalba ni Gabby ang mga property na pinag-aawayan?

The post Gabby sinalba ang ari-arian ng mga magulang appeared first on Abante News Online.

gabby sinalba ang ari arian ng mga magulang - Gabby sinalba ang ari-arian ng mga magulang
Gabby Concepcion - Gabby sinalba ang ari-arian ng mga magulang

abante talbog joe barrameda 336x224 - Gabby sinalba ang ari-arian ng mga magulangGaano ka-totoo ang chika na kaya hindi nagsasalita si Gabby Concepcion tungkol sa isyu ng kapatid dahil may mga pangyayari raw na hindi alam ng mga kapatid kung papaano isinalba ni Gabby ang mga property na pinag-aawayan?

Ayon sa nabalitaan ko ay noong muntik na itong ma-remata ng bangko ay si Gabby ang gumawa ng paraan. How true?

Well, kaloka lang kasi na magkakapatid ang nag-aaway-away, ha! Dahil talaga sa datung, nangyayari ang ganyan.

Daniel dedma sa panlalait

Bukas luluhod ang mga tala, ganyan ang binitawang salita ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa tuwing binabatikos siya sa pagiging artista. Hindi nga nila matanggap na mula sa pagiging Konsehal ay heto na nga siya at may napatunayan na.

Madalas kutyain ng mga politiko ang mga artista nilang nakakalaban. Pero ang nakakaloka sa kanila, hindi rin naman sila makapangampanya sa mga tao nang walang binabayarang mga artista para makakuha ng mga taong makikinig sa kanila.

Ang maganda kay Vice Gov. Daniel Fernando ay hindi lang sa panahon ng kampanya siya lumalapit at tumutulong sa tao at alam niya na marami ang hindi nakakapunta sa kapitolyo para humingi ng tulong dahil sa mahal ng pamasahe kaya may mga programa raw sila na dinadala nila sa far plunge ng Bulacan para maibigay ang mga serbisyong kailangan nila.

Edu kinatakutan ng kalaban

Nakakatawa o mala-king kalokohan ang Comelec resolution na dini-disqualify si Edu Manzano sa pagtakbo bilang Kongresista ng San Juan dahil American citizen siya. ‘Di ba Supreme Court na ang nagdesisyon nito noon na Filipino citizen si Edu? Kaya parang may mali sa resolution na ‘yun na dini-defy ang SC.

Very obvious na nabahag ang buntot ng katunggali ni Edu na matagal na ngang nasa posisyon na pinanghahawakan niya. Hindi ba double jeopardy ‘yan?

Migo humusay umakting

Na hook-up kami nang bonggang-bongga sa “Sahaya” gabi-gabi. Mereseng hindi namin sinipot ang imbitasyon ng isang kandidato dahil hindi ko puwedeng hindi mapanood ang “Sahaya.”

Kudos kay Migo Adecer na pinapahanga kami sa acting niya sa nasabing teleserye. Puwede nang makipagsabayan kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, in fairness to him.

The post Gabby sinalba ang ari-arian ng mga magulang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *