Gabbi wife material kay Khalil

Goodbye na sa pagkakaroon ng love team ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia at sa bagong series na “Beautiful ­Justice” ay kay Derrick Monasterio naman siyang ipinareha.

gabbi wife material kay khalil - Gabbi wife material kay Khalil
gabbi 3 - Gabbi wife material kay Khalil

Jun Nardo I Know Better 2 336x224 - Gabbi wife material kay KhalilGoodbye na sa pagkakaroon ng love team ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia at sa bagong series na “Beautiful ­Justice” ay kay Derrick Monasterio naman siyang ipinareha.

Eh sa humihimok sa kanyang sumali sa beauty pageant, naghihintay siya ng tamang timing bago subukan ang larangang ito.

“Kaso ‘pag nag-beauty queen ka raw, release ka sa lahat ng contracts mo. Sa ­network, endorsements so ­sayang naman. Siguro hintay tayo ng tamang timing.

“If plano sa akin ni Lord ‘yon, He’ll make a way,” pahayag­ ni Gabbi sa media launch ng series.

May boyfriend ngayon si Gabbi, ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos.

Pagdating sa kanya-kanyang trabaho, wala silang pakialaman sa isa’t isa.

“Kung ano ang trabaho mo, trabaho mo. Kung ano ang trabaho ko, trabaho ko. At the end of the day, ‘yun lang. Nagkukuwentuhan kami kung ano ang nangyari. Wala, ganoon lang,” saad niya.

Sabi ni Khalil, wife material daw siya. Ano ang masasabi­ niya?

“Ganoon? Si­yempre, sino pa ba? Ha! Ha! Ha!” ­bulalas niya.”Actually, ayaw niyang pinag-uusapan ang ganyan, jinx daw.

“Eh ‘di okay! Ha! Ha! Ha!” sabi pa ng girlfriend ni Khalil.

Sa isang interview kay Khalil, sinabi nitong hindi mangyayari sa kanila ang ghosting.

“Honest kami sa isa’t isa. ‘Pag ­nainis ako sa kanya, ­talagang straight to the point, ­sinasabi ko sa kanya na ­na-off­ ako,” rason ni Gabbi.

Malapit ang ­Kapuso actress kay Julia Barretto. Sa nangyayari sa ­kaibigan, “I’m here as a friend if she needs someone to cry on.

“I’ve been texting her, checking on her. Basta if she needs someone to talk to, I’m here.

“We have to give her some space. Hindi ko alam kung ano ang sitwasyon niya ngayon,” diin ni Gabbi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *