Gabbi umeksena sa int’l series

Naudlot man ang pagbibida ni Gabbi Garcia sa “Rosang Agimat” dahil sa nangyari kay Eddie Garcia, tuloy pa rin naman ang pagdating ng trabaho sa kanya. Heto nga’t magbibida siya sa isang digital series na ipapalabas sa iba’t ibang bansa.

The post Gabbi umeksena sa int’l series appeared first on Abante News Online.

gabbi umeksena sa intl series - Gabbi umeksena sa int’l series
ABANTE gab G - Gabbi umeksena sa int’l series

Naudlot man ang pagbibida ni Gabbi Garcia sa “Rosang Agimat” dahil sa nangyari kay Eddie Garcia, tuloy pa rin naman ang pagdating ng trabaho sa kanya. Heto nga’t magbibida siya sa isang digital series na ipapalabas sa iba’t ibang bansa.

Inamin ni Gabbi na nalungkot siya sa pag-cancel sa teleserye na “Rosang Agimat.” Pero, naiintindihan naman daw niya ang desisyon na ito ng GMA, bilang respeto na rin sa pagpanaw ng veteran actor-director.

Pero hinanapan naman daw si Gabbi ng kapalit na project at nagsimula na raw siya sa pag-shoot nito.

“Right now, I’m doing a digital series. Sob­rang exciting because it’s international. Hindi ko pa puwedeng sabihin, it’s just exciting,” ngiti pa ni Gabbi.

Bukod sa digital series, may natapos ding movie si Gabbi titled “LSS” kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Khalil Ramos. Isa ito sa magiging entry para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino Film Festival na magsisimula sa September 12 hanggang 18. (Ruel Mendoza)

The post Gabbi umeksena sa int’l series appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *