Gabbi proud sa puwet kahit may stretch mark

Sa Instagram story ni Gabbi Garcia ay hinayaan niyang makapagtanong sa kanya ang mga fan sa pamamagitan ng question box na sticker.

The post Gabbi proud sa puwet kahit may stretch mark appeared first on Abante News Online.

gabbi proud sa puwet kahit may stretch mark - Gabbi proud sa puwet kahit may stretch mark
gabby 99 - Gabbi proud sa puwet kahit may stretch mark

Sa Instagram story ni Gabbi Garcia ay hinayaan niyang makapagtanong sa kanya ang mga fan sa pamamagitan ng question box na sticker.

Siguro out of boredom kaya naisipan ng aktres na mag-entertain ng mga tanong mula sa mga follower niya.

Isa sa mga itinanong kay Gabbi ay kung may stretch mark ba siya dahil mayroon daw ang fan na nagtanong at hindi kaya ng confidence niyang mag-swimsuit dahil sa mga stretch mark nito.

Sagot ng aktres na hindi nag-iisa ang kanyang fan na mayroong stretch mark dahil siya mismo ay mayroon din. Hinikayat ng aktres na mag-show off ang fan ng kanyang katawan dahil hindi nga raw kabawasan ang stretch mark sa pagiging babae nito.

Gamit pa ni Gabbi ang picture kung saan naka-swimsuit siya, nakatalikod at kita ang stretch mark sa bandang puwet.

Tinanong din si Gabbi kung sino ang celebrity crush nito bukod sa bebe nitong si Khalil Ramos. Si Jericho Rosales daw.

So dahil diyan, nagkaroon ng conclusion ang mga fan na mahilig ang aktres sa mga Filipino charm dahil ganoon din ang datingan ng kanyang dyowa na si Khalil.

Nakabuo rin ng idea ang mga fan na paano kaya kung pagsamahin sina Gabbi at Jericho sa isang pelikula? (Athena Yap)

The post Gabbi proud sa puwet kahit may stretch mark appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *