Gab nakaligtas sa motor accident

Hindi na bago sa amin ang mga aksidente sa motor gaya ng sinapit ni Gab Valenciano sa Batangas Racing Circuit noong weekend sponsored by Wheeltek na pagmamay-ari ng kaibigan namin.

The post Gab nakaligtas sa motor accident appeared first on Abante News Online.

gab nakaligtas sa motor accident - Gab nakaligtas sa motor accident
ABANTE gab V - Gab nakaligtas sa motor accident

abante talbog joe barrameda 336x224 - Gab nakaligtas sa motor accidentHindi na bago sa amin ang mga aksidente sa motor gaya ng sinapit ni Gab Valenciano sa Batangas Racing Circuit noong weekend sponsored by Wheeltek na pagmamay-ari ng kaibigan namin.

Maski noong sa mga motocross competition ay maraming artista na nagkabali-bali ang buto dahil sa mga aksidente pero tuloy pa rin sila sa pagmo-motor. Masaya sila sa ginagawa nila at hindi naman inaasahan ang mga ganyang aksidente although nangyayari naman ‘yan.

Ang natatandaan namin na nagkaproblema sa buto ay si Ian Veneracion na naaksidente noon. Pero hanggang ngayon ay nagmo-motor pa rin. Ang maganda kay Gab ay minor injuries lang.

Kaya kayong mga nagmo-motor, ingat-ingat lang. Nu’ng isang araw sa pagmamadali namin ay Angkas ang sinakyan namin from Cubao hanggang BGC. Okay naman.

Miguel, Bianca mas nakakasabik ngayon

Finally ay nagkita na sina Sahaya at Ahmad nang hindi inaasahan.

Sigurado ako na tumigil ang mundo ng mga BiGuel fan sa nakakakilig na eksena na gaya namin ay hindi na namin mahintay ang karugtong kinabukasan. Ang ganda at kapana- panabik ang mga susunod pang eksena na napakabilis ng mga pangyayari.

Kaya sigurado ako na mas tututukan ang mga susunod na eksena sa mga darating na araw. Kaya kayong mga BiGuel fan ay ‘wag bibitaw sa mga susunod na eksena.

Mga fan sobrang na-miss si Alden

Ilang Linggong nawala si Alden sa “Sunday PinaSaya” dahil sa pelikulang ginawa niya with Kathryn Bernardo under Star Cine-ma kaya sa pagbabalik niya noong June 2 ay bonggang opening number ang ginawa niya to the delight of the audience present sa GMA Studio 7.

Kinasabikan nang bonggang-bongga si Alden after a few weeks na wala siya. Maski ang Pambansang Bae ay nasabik din sa pagbabalik sa SPS.

Bago kasi bumalik si Alden ay naging busy ito sa mga negosyo niya at nagkataong nagbukas ang iba’t ibang branch ng Conchas. Kaya tinapos muna niya lahat bago nagbalik-showbiz.

Cast ng teleserye gustong palitan lahat

Gusto nang mag-umpisa ng taping ng isang malaking project sa isang network pero hindi pa ready ang mga artista nila. Kung magigipit sila sa sche-dule ay malamang magpalit ng casting kung kinakailangan nang umpisahan ang taping.

Matuloy kaya ang pagpapalit ng casting o wait pa sila? Abangan.

The post Gab nakaligtas sa motor accident appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *