Francine ‘di nakatulog sa harana ni Kyle

Mukhang ready na ang mga teen star ng Gold Squad mula sa “Kadenang Ginto” para sa pinaka-aabangang ABS-CBN Ball.

francine di nakatulog sa harana ni kyle - Francine ‘di nakatulog sa harana ni Kyle
francine - Francine ‘di nakatulog sa harana ni Kyle

Mukhang ready na ang mga teen star ng Gold Squad mula sa “Kadenang Ginto” para sa pinaka-aabangang ABS-CBN Ball.

Noong nakaraang buwan lamang ay nag-propose na si Seth Fedelin sa on-screen partner na si Andrea Brillantes. Hindi rin nagpahuli ang isa pang tropa nila na si Kyle Echarri, nag-propose na rin ito sa kanyang on-screen partner na si Francine Diaz nitong gabi ng Miyerkoles.

Simple pero napaka-romantiko at tradisyonal na paraan ang proposal na ginawa ng teen star na si Kyle para kay Francine.

Siyempre, hindi mawawala ang mga bulaklak, meron ding pa-bouquet of chocolates at ang pinaka-creative nga ay ang kanyang shirt na may nakasulat na “Will you be my date at the Ball?” with choice pa na ‘yes’ or ‘no’, na sabi ay may kasama pang harana.

Ayon nga sa kanilang road manager na si CJ Cabungcal, palagay niya ay hindi agad makakatulog sa gabing iyon si Francine dahil sa sobrang kilig. Eh halos langgamin na nga raw ang buong Cavite sa kanilang ka-sweet-an!

Nang makita naman ng mga fan ang naganap na proposal, hindi na makapaghintay ang mga ito na makita together ang Gold Squad team sa ABS-CBN Ball dahil kumpleto na sila at ready with their dates.

Friendship goals! Pare-parehas may date, ha! Sana all. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *