For adults only? Heart, Chiz nakakaloka ang pasabog sa Youtube

Madalas nga si Heart Evangelista sa Sorsogon ngayon. Halos isa o dalawang beses sa isang linggo ay lumilipad siya pa-Sorsogon, na kung saan ay gobernardor nga ang mister niyang si Chiz Escudero.

for adults only heart chiz nakakaloka ang pasabog sa youtube - For adults only? Heart, Chiz nakakaloka ang pasabog sa Youtube
heart 15 - For adults only? Heart, Chiz nakakaloka ang pasabog sa Youtube

Paistaran
Dondon Sermino

abante paistaran dondon sermino 336x224 - For adults only? Heart, Chiz nakakaloka ang pasabog sa YoutubeMadalas nga si Heart Evangelista sa Sorsogon ngayon. Halos isa o dalawang beses sa isang linggo ay lumilipad siya pa-Sorsogon, na kung saan ay gobernardor nga ang mister niyang si Chiz Escudero.

“Madalas ako sa Sorsogon ngayon. Mamaya (Saturday) uuwi ako. Gusto ko ang buhay sa Sorsogon, kasi nari-relax ako.

“Ang daming magagandang lugar sa Sorsogon. May pink beach doon.
May mga Butanding. So iniimbita ko talaga lahat na magpunta sa Sorsogon dahil magi-enjoy talaga sila,” sabi ni Heart.

Uumpisahan na rin ni Heart ang project sa Sorsogon, katuwang siyempre ang Sorsogon government, na kung saan ay patatayuan nga niya ng shelter, o bahay ang mga hayop, partikular ang mga aso at pusa, na pagala-gala lang sa kalsada.

Medyo mahaba-haba raw ang pro-seso, pero itutuloy pa rin niya ‘yon. Malapit nga kay Heart ang mga hayop, kaya ‘yon agad ang naisip niyang gawin sa Sorsogon.

Anyway, pahinga muna sa teleserye si Heart. Masyado raw siyang mara-ming trabaho ngayon at hindi talaga puwedeng isingit ang teleserye.
“Hindi muna ako tatanggap ng tele-serye, marami pa akong ginagawa. We’ll see next year,” sambit niya.

Isa sa pinagkakaabalahan niya ay ang pagdidisenyo sa Kamiseta, na kung saan ay naglunsad nga sila ng pop up store sa UP Town Center, Bonifacio Global City.

Sobrang dami na raw niyang nagawang disenyo, na sa totoo lang ay super magaganda, at mukhang mamahalin, ha!

“Hindi ko na mabilang ang mga designs ko. Everytime na may maiisip akong design, ginagawa agad namin.”

Kinikilig nga raw siya sa tuwa kapag nakikita niya na ang mga dinisenyo niyang damit ay suot-suot ng mga Pinoy. Ang iba nga raw ay nakatira na sa ibang bansa, at bumibili pa talaga rito sa Pilipinas para isuot abroad.

“Sobrang kilig, nakakatuwa, iba ang feeling, sobra. I’m very happy with Kamiseta. Sobrang satisfied ako sa kanila. Hopefully magkaroon kami ng Kamiseta sa Sorsogon.”

Sa edad ni Heart, puwede ngang sabihin na fashion icon na siya. Aba, siya lang naman ang madalas na imbitahan sa Paris, at sa iba’t ibang panig ng mundo, para lang dumalo sa Fashion Week, ha!

“Wow! I try not to be conscious about it. Kasi pag na-conscious ako, mas baka yung mga choices ko sa pagbibihis magiging limitado. So, ang ginagawa ko lang, kung ano talaga ang gusto kong isuot, `yun ang isinusuot ko.”

Anyway, marami na nga ang nag-aabang sa pasabog nila ni Gov. Escudero sa YouTube channel ni Heart. May bonggang-bonggang eksena nga raw sila ni Chis sa YT channel niya, na siguradong ikatutuwa ng mga supporter nila.

“Bago mag-one million ilalabas namin ‘yon. Around forty thousand na lang ang kulang bago mag-one million.

“Ay naku, nakakaloka! Maloloka kayo!” natatawang sabi pa ni Heart.
Wow, ano kaya yon? For adults only kaya ang ‘Adulting 101’ na ‘yon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *