Fil-Am Jacob Batalon lilibutin ang ‘Pinas

Fil-Am Jacob Batalon lilibutin ang 'Pinas

Bumisita sa Pilipinas ang Fil-American actor na si Jacob Batalon na mas nakilala bilang si Ned Leeds, ang best friend ni Peter Parker sa Marvel film franchise na “Spider-Man”.

fil am jacob batalon lilibutin ang pinas - Fil-Am Jacob Batalon lilibutin ang ‘Pinas
ned - Fil-Am Jacob Batalon lilibutin ang ‘Pinas

Bianca, Ruru starstruck sa BFF ni Spider-Man:

Bumisita sa Pilipinas ang Fil-American actor na si Jacob Batalon na mas nakilala bilang si Ned Leeds, ang best friend ni Peter Parker sa Marvel film franchise na “Spider-Man”.

Binigyan ng welcome dinner si Jacob ng GMA-7 at nagkaroon ng pagkakataon ang ilang Kapuso star na makilala siya at magtanong tungkol sa chances ng ibang Filipino na ma-penetrate ang Hollywood.

Kabilang sa nagtanong kay Jacob ay sina Bianca Umali, Ruru Madrid, Almira Teng, Clint Bondad, Kim De Leon and Shayne Sava.

Masasabi ngang suwerte si Jacob dahil nagpadala lang daw ito ng audition video sa Marvel at laking tuwa niya na siya ang napili bilang BFF ng gumanap na Spider-Man na si Tom Holland.

Ang naging question ni Bianca kay Jacob ay: “Do you have advice for us celebrities and to all the Filipinos who aspire to be in Hollywood just like you?”

Sagot ni Jacob ay: “I think the most important thing to remember is that really, success isn’t measured by Hollywood. Hollywood is just really, you know, a buffed up thing that people think is success.

“If you are with people who are just as artistic and who believe in the same things as you that means you are successful. And really, your work will speak for itself and that’s what will get you there.”

Huling bisita raw ni Jacob sa Pilipinas ay noong 4 years old siya at naalala niya na sa Baguio City sila pumunta. Ngayon daw ay interesado siyang ma-explore ang Pilipinas, lalo na raw ang mga magagandang beach ng bansa.

Beach lover si Jacob dahil ipinanganak at lumaki ito sa Honolulu, Hawaii. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *